Magdidilim na nang makauwi sila sa mansyon. Ang iba ay nagpaiwan sa rancho dahil may resthouse rin naman doon na mapagpapahingahan ng mga ito. Sila lang yata na may mga asawa ang umuwi dahil na rin sa mga bata. Balak pa sana niyang tulungan si Celestine pero hindi na nito hinayaan pa siyang gawin iyon. Tinawag na nito ang mga kasambahay at ang mga iyon na ang pinag-asikaso ng mga dala nila. Kailangan na rin kasi nitong umakyat sa kwarto dahil nakatulog na ang anak nito na bitbit na si Rondelle patungo sa itaas. Tahimik sila pareho ni Clyde, ni hindi sila nag-usap sa sasakyan habang nasa byahe sila nito pabalik sa mansyon. Hindi naman siya galit pero hindi rin siya nagsalita hanggang sa makarating sila. Kasunod niya ito nang pumasok sa silid na tinutuluyan nila kaya naman nagulat siya nan

