Bumalikwas ng bangon si Clyde nang wala siyang makapa sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan. Mabilis ang ginawa niyang pag-ahon sa kama. "Rei!" tawag niya sa asawa at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang mantsa na kulay pula sa kama. "Regan!" ulit niyang tawag pero wala pa ring sumasagot sa kaniya. Kinakabahan siya at nagmadali sa paglabas sa kuwarto nang marinig niya ang tubig sa loob ng banyo sa mismong silid nila. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinakbo niya iyon habang halos tinatambol ang dibdib niya sa takot. "s**t, baby!" Halos lumundag na siya nang makita ang asawa na halos nakasubsob na sa inidoro. "What the f**k is happening to you?" nag-aalala niyang sambit. Panay ang suka nito na wala naman na halos lumalabas. Dagdaga

