Rondell Olsen invited them to have a vacation on his ranch at San Juan, Batangas. Tamang kalalabas lang din ni Cenna sa ospital at perfect timing din ito para tuluyan nilang makalimutan ang masamang nangyari. Maganda rin para sa kaniya ang makalanghap ng sariwang hangin sa probinsya sabi ng doktor niya. At isa pa excited na rin siya na makilala ang asawa ni Rondelle na palagi nitong ibinibida sa kanila kapag bisita at kasama nila ito. Dalawang oras din halos ang byahe nila at kanya-kanya sila ng dalang sasakyan at sulit naman ang lahat ng iyon nang marating nila ang lugar. Wala pa nga sila sa mismong hacienda ay nalilibang na siya sa magagandang tanawin. Ibang-iba talaga ang makikita sa ganitong lugar kaysa sa city na puro matataas na gusali lang matatanaw. Bihira lang ang maaliwalas na p

