Nang matapos ang check up niya sa OB ay magkasabay silang lumabas at magkahawak kamay pa sila ni Cenna. Muli silang sumakay sa kotse ni Chris na naghintay lang naman talaga sa labas ng clinic. Hindi ito umalis gaya nang sinabi niya sa asawa na ihahatid lang sila nito sa mall. Naghintay ito at ngayon nga ay talagang ihahatid na sila nito kung saan man nila balak mag-shopping ni Cenna para sa mga gagamitin sa plano niya na surprise party para kay Clyde. “Hey, how's the check up? Can I know the gender already?” excited na tanong ni Chris nang makaupo na sila sa loob ng sasakyan nito. Nakalingon ito sa kaniya at malapad ang ngiti. Mukhang mas excited pa ito kaysa sa inaasahan niya. “That bastard will gone crazy if he finds out, damn! I'm gonna film his reaction. It might go viral on social m

