“Aalis ka? S'an ka pupunta?” tanong kaagad sa kaniya ng asawa nang makita siya nitong nakabihis at may dalang bag. Mukha talaga siyang aalis kaya hindi siya pwedeng magkaila dahil magmumukha talaga siya na gumagawa ng excuses. “Ahm...I have a shopping date with Cenna,” nakangiting tugon niya. She was sure na kahit tawagan pa ng lalaki ang bestfriend niya ay wala itong makukuhang kahit ano. Cenna will not tell a soul. “So, girl bonding lang 'yan, o kasama si Chris? If Chris is there, can I come with you?” “No!” mabilis na tugon niya. Medyo napalakas pa iyon kaya naman bumadha ang hindi maitagong gulat sa mukha ni Clyde. “Ah–I mean, no! Chris wasn't there. Shopping date 'yon. Meaning it's only me and Cenna.” Pagsisinungaling niya. Para tuloy gusto niyang kagatin ang sariling dila dahil

