Kabanata 3
"Busangot much, 'Teh!"
Umiling ako kay Josh. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari few days ago. I just really can't believe that it actually happened. Ito siguro 'yong nasasabi na lutang moment. Lutang parin kasi ako sa mga nangyayari.
Pasulpot-sulpot na kasi si Sam Fajardo sa bahay. Si Mama naman hindi mawala sa mukha 'yong ngiti niya. But I am really happy to see her like that. Even my Papa, gano'n rin. Para kasi sa akin, ito talaga 'yong pinaka goal ko. Make them happy. I did it, I made it and, yeah ang satisfying lang...
Napadaing ako sa pagkurot sa tagiliran ko ni Josh.
"Hoy, K. Anya're naman sa iyo?" aniya sabay maarte niyang sinubo 'yong red velvet cake niya.
Napasimangot ako lalo ng maalala ko 'yong ginawa ni Sam.
"Naiinis ako sa fiance ko."
I started to eat my black forest cake at saka binalikan ng tingin ang kaibigan ko.
Umirap muna siya bago siya nagsalita. "Ay naku, Kean Charlotte Rivera ha. Gulantang much pa rin ako diyan sa ex ng sisteret mo!"
Sumandal ako sa couch.
Kahit naman ako. Hindi ko alam na ex pa ng kapatid ko magiging fiance ko. I wasn't really expecting that. Biglang gano'n nalang.
Besides, sabi ni Sam. Matagal na silang wala ni Ate. I really don't get it. Gano'n na lang ba kabaliw ang kapatid ko para lang gumawa ng kwento? Mukha namang hindi nagsisinungaling 'yong si Sam, though he even looks like. Pero parang hindi naman siya nagsisinungaling.
"I really didn't expect everything, Josh." sabi ko rito.
Hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Ate. Hindi naman nababanggit ni Mama't Papa. Hindi lang ako sanay na ganito kami. I need to talk to her.
"K, 'di kaya nag drugs 'yang si Steffany? Ano tinira no'n at saka parang truthness naman sinabi ni Papa Sam."
Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit alam kkng biro niya lang 'yong sinabi niya.
"Hindi nagda-drugs si Ate, Josh."
"Gaga, biro lang, e! Ikaw talaga ang seryoso mo sa buhay. Nakakaloka ka!" reklamo niya sinabayan niya pa ng irap.
I shooked my head. Sakto sa paglingon ko. Paparating na si Mayton. Nagsabi naman siyang male-late siya. Hindi ko nga lang expected na almost one hour siyang late.
"Kumusta naman, Mayton? Grabeng late ha." pag iinarte ni Josh sabay beso rito.
Sinamaan ako ni Mayton ng tingin bago bumeso. Alam ko namang may sari-sarili tayong opinyon and I am respecting my friends opinion.
"Alam mo ba na sinugod ako ng Ate mo last night sa bar?"
Agad kong iniling ang ulo ko. Why would my sister do that? At talagang sa bar pa?
Si Josh na nasa tabi ko'y biglang nag seryoso.
"The hell, she's saying nonsense stuffs, man. Ang sabi niya pa'y na kinunsinti ka namin ni Josh. She even said that you're a b***h for stealing his boyfriend?" she said and rolled her eyes.
Nalungkot ako sa balita na 'yon. She's just mad at me kaya niya nasabi ang mga bagay na 'yon. She wouldn't say those things to me kung hindi. I know her. Hindi naman gano'n si Ate, sadiyang may pinagdadaan lang siya.
"I'm sorry for that, Mayton."
Pinagkrus niya ang braso't binti. "You know what, K. You don't need to be sorry. I have asked some of my dear friends. Ang sabi nila, taon narin simula nakipag hiwalay 'yong si Samus Fajardo sa Ate mo."
So, it was really true.
"Steffany was indeed crazy. Malala na 'yon. Sorry, K. But the f**k with her! See! Grabe sa makakalmot 'yong kapatid mo."
Ipinakita niya 'yong brasong may guhit.
Halatang kalmot.
"Pati ata obaryo ko naalog sa pagsabunot niya." dugtong niya.
Nagbuntong hininga nalang ako at natahimik.
Mayton ordered her favorite dish. Inubos lang namin ang natirang oras sa kwento. Hindi ko parin maiwasang isipin si Ate. I don't know what to do. Naawa ako para sa kaniya pero wala naman akong maling ginawa. But I can't blame her. Maybe she really loves Sam?
Ano bang mayroon 'yong si Sam at pati kapatid ko nahibang na ata sa kaniya.
Sana magkaayos pa kami ng kapatid ko. I am not use to this.
Nauna ng umalis 'yong dalawa. Nagpa iwan pa ako para mag isip-isip. But later on I've decided to go. Mag gagabi narin kasi.
Kailangan ko pang kausapin sila Mama't Papa tungkol sa kapatid ko.
Tatawagan ko na sana si Manong pero tawag pansin kaagad 'tong Fajardo na 'to. Karamihan ng nakita kong babae ay napapa ilang lingon sa kaniya. Paano ko ba idedescribe...
He's just freaking handsome on his clothes. Nakasandal pa siya sa sasakyan niya.
He waved his hands. Awtomatikong napataas ang kamay ko at kumaway rin sa kaniya. After I realized what I did. Nahiya nalang ako bigla.
And, what the hell is he doing here? Stalker na ba siya ngayon?
Even not smiling, he's just freaking handsome. Nahiya ako sa sariling pinag iisip. Really, Kean?
Ayan talaga?
"May kikitain ka rito?"
Gusto ko nalang kainin ng lupa. Bakit ba 'yon ang lumabas sa bibig ko? Its just really a stupid question!
His lips form a smile and she patted my head.
Damn, kapag ngumingiti siya lalo lang siyang gumagwapo. May kakapalan ang kilay niya. Matangos ang ilong at medyo singkit na bagay naman sa kaniya and he even had long lashes. Sa palagay ko mas maganda pa siya sa akin kung naging babae siya.
"Are you done checking my face?" ngisi niya.
Bigla akong namula at umiwas ng tingin. Nakakahiya! Matagal kaya ang pagtitig ko sa mukha niya? Gosh, maybe he's thinking that baka na starstruck ako sa kaniya.
"H-hindi ah."
I even heard him chuckled.
Nagulat ako ng hilahin niya ako at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
"Pero si Manong?"
"No need to worry."
Pumasok na ako. Siguro nagpaalam na siya na siya ang susundo sa akin? Hindi ako sanay at nahihiya parin ako sa kaniya. Iilang araw palang din naman kasi. But maybe he's doing this for our you know?
Napansin kong hindi niya pa isinasara ang pinto.
Nangunot ang noo ko ng mapansin ang pag nguso niya.
What? Ano'ng ibig sabihin no'n? Gusto niya ng kiss?
Nanlaki agad ang mata ko at saka sunod-sunod na umiling.
"Don't kiss me!" aniya sabay takip sa mukha ko.
Para akong nag init sa pwesto ko ng marinig siyang tumawa ng malakas. He's really laughing hard.
I opened my eyes and looked away. Nahihiya sa sarili! Why did I say that? Ano bang nasa utak ko!
"I'm pointing your seatbelts. I'm not going kiss you." sabi niya mukhang nagpipigil pa sa tawa.
Darn it! Sobrang gusto ko nalang talagang lumubog sa kinauupuan ko.
Kinabit ko nalang agad 'yong seatbelt ko kahit nanginginig ang kamay ko. After that he closed the door at saka nagmamadaling sumakay narin.
Nakatingin lang ako sa labas no'ng nagsimula na niyang patakbuhin ang sasakyan.
Napakapit pa ako sa seatbelt dahil sa kanina. Hindi ko talaga alam bakit ko nasabi 'yon. Nahihiya akong harapin siya
.
Siguro iniisip niya na ang assuming ko! Goodness, Kean!
"Charlotte."
Napalingon ako sa kaniya ng 'di oras.
Saglit siyang tumingin sa akin at saka kumindat. Inikutan ko siya ng mata. At saka umupo na ng diretso.
"Are you free on Saturday?"
"Ngayong darating na sabado ba?" he nodded his head.
"Yep, bakit?"
Saglit kong inisip kung may gagawin ako. Wala naman.
"It's my brother's birthday. I already asked your mom. Can you go with me?"
"Sige."
Buong byahe ayun ata ang huli naming pag uusap. Hindi ko magawang mag open ng topic kasi hindi ko naman siya gano'n pa ka kilala. And besides, nahihiya parin ako pag naalala ko 'yong nangyari kanina.
"Thank you for driving me home, sana hindi kana nag abala." aniya sabay tanggal sa seatbelt.
Bababa na sana ako ng tawagin niya ako.
He cleared his throat. "Your number." sabay abot niya sa akin ng phone niya.
No'ng una, nag aalangan ako. Kaso ibinigay ko parin. Tinipa ko ang numero ko at saka isinoli sa kaniya ang phone niya.
Ngumiti ako sa kaniya at saka binuksan na ang pinto.
"Charlotte."
Nilingon ko siya bago bumaba and I was shocked on what he did. Nanlaki ang mata ko.
Ni hindi ako nakapagsalita at nakasagot sa pagbabye niya. Tumalikod ako at saka nagmamadaling pumasok ng bahay.
Hinalikan niya ako. Hindi naman siya ang first kiss ko. But it was like as if he was my first kiss!
"Oh, Hija. Nandito kana pala. Are you fine? Bakit namumula ka?" si Mama.
Humalik ako sa pisngi niya at saka umiling.
"I'm fine, Ma. Akyat muna po ako sa taas!"
Tatanungin pa sana niya ako kaso lang nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.
I rolled on my bed at nagtakip ng unan sa mukha. Holy shiz, what is that, K?
Natigilan ako sa sarili ginagawa ng marinig ang cellphone ko na tumutunog.
Bumangon ako at inabot ang phone sa bag.
May message mula sa unknown number.
From: 0926*******
Save my number
Hindi ako mapakali. Hanggang ngayon nahihiya na ewan ang nararamdaman ko. There's certain part na nahihiya pero at the same time, damn! Parang kinikili ang tyan ko na ewan.
Nagtipa ako agad ng reply sa kaniya.
To: 0926*******
Okay, ingat sa pag-uwi.
Gaya nga ng sabi niya. I saved his number at nakagat ang labi. Ano ba, ano ba 'tong feeling na 'to? Bakit ganito.
Inilapag ko sa kama 'yong cellphone at nagbihis na.
Sakto pagtapos ko magbihis tumunog din ang phone ko. Kukunin ko na sana kaso lang may sunod-sunod na katok sa pinto ko.
I opened the door and saw my Mama. Kunot ang noo at seryoso.
"Ma."
Hilaw na ngiti ang ibinigay niya at saka ako hinawakan sa palapulsuhan.
Nagtaka ako.
"Ma, may problema ba?"
Papunta na kami sa mini office ni Papa. Hawak niya parin ako sa palapulsuhan at hindu sinasagot.
Lumingon muna siya sa akin bago binuksan ang pinto ng opisina ni Papa dito sa bahay.
Naabutan kong nasa may sofa si Papa.
Problemado at galit. Hawak ang sentido. Katapat si Ate na seryoso.
Lumingon sila pareho at nakita ko kung gaano na lang ang pagkamuhi sa mata ng kapatid ko.
"So, what are you doing here? Bakit nandito pa 'yang mang aagaw na 'yan?"
"Steffany!" sigaw ni Papa.
Naiyukom ko ang kamao ko. Hindi ako mang aagaw at lalong wala akong inagaw.
"Stop saying nonsense things, Steffany! Goodness, hindi ka na ba matatapos sa mga kwento mo?"
Nagulat ako ng tumayo siya at pinagduduro ako.
"It's her fault! He won't leave me kung hindi dahil sa'yo, Charlotte! You're a stinky b***h!"
"Enough!"
Nanlaki ang mata ko. Sinampal siya ni Mama. At galit na galit siyang sinaway ni Papa.
"Walang inaagaw ang kapatid mo sa'yo. Wala na raw kayo ni Sam, stop making a story, Stef! Charlotte didn't do something wrong."
Napaatras ako at nakatitig lang. Sobrang galit si Ate. Naiiyak narin ako sa nangyayari.
"Yes, of course. Wala naman siyang ginawang mali. Sa mata niyo ni Papa! She's always the good daughter, while I? What? 'Yong rebelde at masama, f**k! Eh sunod-sunuran lang naman 'yan sa gusto niyo! If I know, ayaw niya ng pinapagawa niyo."
Sabay na napalingon si Papa't Mama.
"Watch your mouth, Steffany."
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
I smiled at her. "Hindi ako napipilitan. Kung masaya sila, gano'n rin ako, Ate. I want Mama and Papa happy. Ayokong nakikita sila na disapppointed kaya ginagawa ko lahat ng gusto nila."
Taas kilay niya akong tinignan.
"At wala akong inagaw sa'yo."
Inismiran niya ako at saka inikutan ng mata.
"You're being unreasonable, Ate."
"Unreasonable my f*****g ass, K!"
And she went out. Nagkatinginan kaming tatlo ng mga magulang ko. Problemado at nag-iisip.