Kabanata 57 Z A C H I A Pagkatapos ng mga ginawa namin ay sabay kaming nag-shower ni Caleb, ayaw niya pa ngang pumayag na magsabay kami dahil baka daw maangkin niya lang ako ulit habang naliligo kami. Pero napilit ko pa din naman siya. Naging behave naman siya habang naliligo kami kahit na ramdam kong gusto niya pang umulit. Nagbihis na ako at nag-ayos pagkatapos dahil aalis ulit kami ngayong araw para pasyalan ang mga lugar na hindi pa namin napuntahan kahapon. Bukas na kasi agad ng umaga ang uwi namin ng Pilipinas kaya susulitin na namin itong natitirang araw namin dito. Ang bilis ng oras. Parang ayoko pa na umalis kami at umuwi pero kailangan kasi may trabaho pa siyang kailangang asikasuhin. Habang inaayos ko ang make-up ko ay yumakap siya sa akin mula sa likod. Mas naging clingy s

