bc

Hidden Flame

book_age18+
3.1K
FOLLOW
37.0K
READ
possessive
sex
age gap
badboy
CEO
billionairess
sweet
bxg
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Shy high school senior Zachia Walcott developed a special feeling towards Caleb Craig. He is one of her brother's trusted friends. When her brother died from an accident, Caleb was the one who was always there for her. He was very protective of her.

She has always had a crush on Caleb, but she knows that the boy could never like her back, for she's like a younger sister to him.

Will Caleb ever love her back despite their age gap?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Z A C H I A "Mom, I promise I'll be fine," pangungumbinsi ko kay mom. Ngayon ang gabing pinakahihintay ko dahil sa wakas ay pinayagan na din ako ni dad na umattend ng prom. Kahit kailan kasi ay hindi niya ako pinayagan na dumalo sa mga party na hindi sila kasama kaya ngayon ay sobra ang pagka-excite ko nang finally payagan na ko ni dad na umattend ng party na hindi sila kasama. Ilang beses ko din siyang kinumbinsi bago talaga siya napapayag, kaya sobrang saya ko ngayong gabi at sa wakas magagawa ko na din ang isa sa mga pangarap ko lang gawin noon. Lalo pang naging mas exciting ang gabing ito dahil ang makakasama ko ngayon gabi ay ang matagal ko nang palihim na minamahal mula pa noong bata pa lamang ako. Ilang araw ko din siyang pinilit na samahan ako sa prom na ito dahil maging siya ay tutol din na pumunta ako sa party pero pagkatapos nang ilang araw na pangungulit ay pumayag na din siya. Actually, binlackmail ko siya. Sabi ko kapag hindi niya ako sinamahan sa party or kapag hindi siya pumayag na maging date ko sa ibang lalaki na lang ako makikipag-date kaya iyon, no choice siya kundi ang samahan na lang ako. Ayaw na ayaw kasi no'n na may lalaking umaaligid-aligid sa akin. Masyado pa daw akong bata para magpaligaw at magpaloko sa mga lalaki. Hindi niya alam wala naman talaga akong balak na magpaligaw sa iba dahil siya lang naman talaga ang gusto ko mula pa noon. "You better be! Lagot sa akin si Caleb kapag hinayaan niyang may mangyaring masama sa'yo," pag babanta naman na sabi ni dad. "Tito naman para namang papayag akong may mangyaring masama diyan sa anak niyo." Sakto namang dating ni Caleb. Agad na lumawak ang ngiti sa mga labi ko nang masilayan ko ang pinakagatangi-tangi kong lalaki.  Napakagwapo talaga niya kahit kailan. Bakit naman gano'n. Ang unfair na talaga minsan ng mundo. Bakit naman kasi may ganito kagwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ito? "Caleb!" Patakbo akong lumapit sa kanya, nakalimutan kong naka-gown at takong nga pala ako. Naapakan ko tuloy ang laylayan ng aking suot na gown at nawalan ng balanse. Nang akala ko ay babagsak na ako ng tuluyan sa sahig ay maagap namang nakalapit sa pwesto ko si Caleb at nasalo ako nito. Parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo ko nang mapagtanto kong napakalapit na ng mukha niya sa akin. Bumilis ang t***k ng aking puso na para bang anumang oras ay maari akong himatayin dahil sa hindi normal na pagtibok ng puso ko. Tila may mga paruparong namang nagliliparan sa aking tiyan habang nakatitig ako sa mga mata ng binatang matagal ko nang lihim na minamahal. Hindi ko alam kung bakit para akong naparalisado sa aking kinatatayuan at hindi ko magawang maigalaw ang aking mga katawan. Nanatili lamang akong nakatitig kay Caleb na ngayon naman ay nagtatakang nakatitig din sa akin.  "Zachia, be careful naman. Hindi ka na bata para mag tatatakbo. Act like a lady," sermon naman sa akin ni mom. Doon lamang ako natauhan at dali-daling lumayo kay Caleb. Natatarantang inayos ko ang aking sarili at pilit na pinapakalma ang parang sasabog kong puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang epekto niya sa akin. Alam kong matagal ko na siyang gusto pero bakit tila yata palala na ng palala ang epekto niya sa akin? Hindi mawala ang kaba sa aking dibdib kahit nang lapitan ako ni mom upang tulungan akong ayusin ang aking medyo nalukot na gown. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Chia? Hindi ka na bata."  "Opo, mom." Sagot ko na lamang dito na pilit pa ding itinatago ang pagkapahiya sa nangyari. "Tita, naman. Baka mamaya kakaganyan niyo kay Chia magboyfriend na 'yan," ani Caleb. Ikaw lang ang gusto kong maging boyfriend. Kung alam mo lang. "Eh di, mas maganda. Magiging pala-ayos na itong baby namin at hindi na magpapaka-isip bata. Isa pa, part naman 'yan ng growing up, ang maiinlove ka, kaya walang problema sa akin iyon, hijo." "Tumigil ka nga d'yan hon! Hindi ako papayag na mag-boyfriend kaagad itong bunso ko. Dadaan muna sa akin ang lalaki bago niya mahawakan kahit dulo ng daliri ng anak ko."  "Tama, tito! Hayaan niyo sisiguraduhin kong walang ibang lalaking makakalapit sa anak niyo," sabat ni Caleb na naging dahilan upang mas lalong magwala ang mga paru-parong nasa tiyan ko. Kahit hindi mo na ko bantayan walang ibang lalaking magtatangkang umagaw ng puso kong iyong-iyo na. Ano ba yan. Kung ano ano na itong naiisip ko. "Naku nagtandem pa kayo! Wag nga kayong makialam sa love life ng anak ko, ha. Hayaan niyo siya kung saan siya sasaya. Saka hindi naman tanga ang anak ko para magpauto lang kung kanikanino, hindi ba anak?" pilit pa din ni mom. "Mom is right! Matanda na ako, ano ba kayo? Kayong dalawa lang naman talaga ang tumuturing sa aking bata, pero kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Kaya kayong dalawa, huwag na po kayong mag-alala kasi kaya ko na po i-handle ang sarili ko." "Right. So pwede ba kayong dalawa, leave my daughter alone." Nagkatinginan na lamang ang dalawang lalaki at parang may isang kasunduang nabuo sa pagitan nilang dalawa na sila lamang ang nakaka-alam kung ano. Lagi silang ganyan. Paano kaya nila nagagawa 'yon? Para silang nag-uusap palagi sa pamamagitan lang ng mga tinginan nilang ganyan. And it's so damn nakakainis. "Alright. Ano pang hinihintay mo Caleb, ihatid mo na ang aming prinsesa sa kanyang prom para makauwi din kayo ng maaga." "Dad naman! Hindi pa nga kami nakakaalis, uwi na agad nasa isip niyo. Hayaan niyo muna akong mag-enjoy. Please?" "Okay, princess," ani Dad sabay kindat kay Caleb na isang ngiti lamang ang isinagot sa kanya. "Ano nanaman 'yon? Kayo talaga parang palagi kayong may binabalak sa mga tinginan niyo na 'yan."  "I think we should go. Ilang minuto na lang magsisimula na ang party," ani Caleb. "Okay, fine. Goodbye, mom, dad." Humalik na ako kina mom and dad bago ako lumapit muli sa pwesto ni Caleb.  In-offer niya ang kamay niya sa akin at nag-init naman kaagad ang pisngi ko dahil doon. Tinanggap ko iyon at inalalayan niya na akong makalabas ng mansyon. Pinagbuksan niya ako ng kotse at inalalayan pa din pagpasok doon. Para akong prinsesa kung ituring niya. Well, ganoon din naman ang mga magulang ko sa akin at ang iba pang mga kaibigan ng kuya ko. Mas madalas ko lang makasama si Caleb. At ganoon naman talaga siya palagi kapag magkasama kami kaya nga hindi ko naiwasan at napigilan ang sarili kong mahulog ng tuluyan sa kanya kahit na parang kapatid lang naman talaga ang tingin niya sa akin. "Are you ready, princess?" nakangiting tanong niya. Di ko napigilan ang sarili kong mapatitig ng sandali sa mukha niya. Napakagwapo naman kasi talaga niya. Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon single pa din siya sa sobrang gwapo niya.  Kung sa bagay kahit naman single siya madami pa din siyang mga kalandiang babae. Paano ko alam? Nababasa ko lang naman sa messenger niya kapag hawak ko ang phone niya. Gustong-gusto ko na nga iblock isa isa ang mga malalanding yon kaya lang baka magalit sa akin si Caleb at hindi na niya ipagkatiwala sa akin yung phone niya. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos sa mga nababasa kong usapan nila nung babae. Yung babae pa mismo ang kusang lumalapit sa love ko. Nakakainis lang. "S'yempre naman! Di na nga ako nakatulog kahapon dahil sa sobrang excitement." "Mag e-enjoy ka ba kahit kasama mo ako?" tanong niya na nakangiti pa din habang inistart na ang sasakyan. "Oo naman." Mag eenjoy talaga ako ngayong gabi lalo na at ikaw ang date ko. Matagal ko kayang inantay ang pagkakataon na 'to na maging date ka kahit isang gabi lang. "Pero binabalaan na kita ngayon pa lang, princess, hindi ka pwedeng uminom ng kahit anong alak. Nagkaka-intindihan ba tayo doon, Chia?" "Yes, dad! May balak ka bang palitan si dad?" natatawa kong tanong. "Chia, you're like a sister to me kaya pinoprotektahan kita." Yeah right. Para lang akong kapatid para sayo. Alam ko naman yun eh pero bakit sa tuwing naririnig ko yun mula sa kanya nasasaktan pa din ako. May chance pa kaya ako sa kanya kung kapatid lang ang tingin niya sa akin?  "Okay." "Ba't ganyan ang tono mo? Are you mad?" "Bakit naman ako magagalit, Caleb?" malamig kong tanong. Nagkibit balikat lamang ito at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho hanggang sa marating na nga namin ang school kung saan nagaganap ang party. Hindi ko na hinintay si Caleb na pagbuksan ako ng pinto at lumabas na agad ako ng sasakyan. "Halika na dali!" Excited na hinila ko ang kamay niya papasok sa venue ng party pero nang nasa harap na kami ng gate ay hinarang kami ng guard. "Pasensya na, ma'am, kailangan po namin kunin ang invitation card ninyo." At doon na ako nagsimulang mag-panic. Invitation card? Shet! Saan ko nga ba nilagay yung invitation ko? Damn it! Pinilit kong mag-isip kung saan ko nga ba talaga nailagay yung card pero bigla kong naalala na nasa locker ko pala iyon. Damn it!  "I'm sorry kuya, pero naiwan ko kasi yung invitation ko sa locker ko. Kung gusto niyo kukuhanin ko lang muna sa loob tapos babalik din ako dito." "Naku ma'am hindi po talaga kami pwedeng magpapasok ng walang invitation card, eh." "Kuya hindi ka naman namin niloloko. Kung gusto niyo magpapaiwan na lang ako dito para makasiguro kayong babalik ang kasama ko," ani Caleb pero hindi pa din iyon umubra sa matandang guwardiya. "Pasensya na po talaga pero 'di po talaga pwede yun. Kami po kasi ang makakagalitan." "Kuya naman oh. Please na? Matagal ko pong hinintay ang gabing ito hindi pwedeng hindi ito matuloy." "Pasensya na po talaga." Hindi ko na napigilan ang mga luhang bigla na lang pumatak mula sa mga mata ko. Mabilis akong tumakbo palayo doon at siyempre hinabol naman kaagad ako ni Caleb. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook