001

1082 Words
Kabanata 1 Z A C H I A "Chia, wait!" "Leave me alone! Hayaan mo muna ako mapag-isa please," umiiyak na sabi ko habang patuloy pa din sa pagtakbo pero nang maabutan niya ako ay agad niya akong hinila sa braso at pinaharap sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niyang may luha sa mga mata ko. Kinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko at pinatingin niya ako sa kanya. "Shh. It's okay. Marami pang party na pwede nating puntahan. May party akong dadaluhan next week, I'll take you there. 'Wag ka na umiyak. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita kang ganyan, di ba?" "Pero, alam mo naman kung gaano ako katagal nag-antay para sa gabing ito tapos masisira lang ng basta-basta. Naghanda ako ng sobra para dito, hindi na nga ako halos nakatulog kakaisip sa gabing ito tapos ganito lang. Hindi pala ako makakapasok. Napaka unfair! Paano mo na ako maisasayaw niyan kung hindi naman tayo makakapasok sa party! Kasalanan ko ito eh! Ba't ko ba kasi iniwan yung invitation ko sa locker ko. Ang tanga-tanga ko!" "Shh, it's okay. Pwede naman kitang isayaw kahit wala tayo sa party, kung 'yon lang ang inaalala mo." Nagsalubong ang mga kilay ko at nangunot naman ang aking noo. "Paano?" nakasimangot na tanong ko. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko at ngumiti. "Akong bahala sayo," aniya sabay pisil sa aking ilong. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at kung ano ba ang binabalak niya pero kahit ano pa man iyon o kahit saan niya pa man ako dalhin, basta kasama ko siya alam kong mag-eenjoy ako. "Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko kay Caleb nang dalhin niya ako sa isang park at dahil anong oras na din ay wala nang katao-tao doon. Sino ba naman kasi ang mamamasyal sa park ng gabi, di ba? Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit ako dito dinala ni Caleb, eh. Madilim na kasi sa lugar na ito.  "D'yan ka lang. 'Wag kang aalis d'yan, alright? I'll make this night the best night of your life," aniya na dahilan upang magsimulang magwala ang mga paruparo sa aking tiyan. Ano ba yan, Caleb! Wag ka naman masyadong pa fall, hulog na hulog na nga ako sayo, eh, tapos bumabanat ka pa ng mga ganyan. Nakakainis naman, pano na ako neto? Mas lalo lang akong mahuhulog sa'yo niyan eh. Ang hirap hirap na kaya kung minsan itago itong nararamdaman ko para sa iyo. Kala mo ba napakadali, ah! Nakakainis ka na, hmp! "Sandali lang ako," aniya bago ako tinalikuran para umalis na.  Ano naman kayang pinaplano ng lalaking 'yun? Wala na talaga siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Gusto niya din kaya ako? Hay naku, Zachia wag ka nang mangarap imposibleng magustuhan ka nun. Yung mga babaeng tipo nun, eh yung mga babaeng nakikita mo lang sa magazine. Yung malalaki ang pwet pati ang dibdib, eh ikaw tignan mo nga yang katawan mo. Katawan ng bata.  Napabuntong hininga na lamang ako nang mapagtanto kong wala nga talaga akong pag-asa kay Caleb. Eh kasi naman ini stalk ko kaya yung mga babaeng dinidate nya at ang gaganda ng mga yun, mga mukhang artista kaya napaka-imposibleng magustuhan niya ako. Pero malay niyo naman pagtanda ko baka magkaroon na ng improvement ang katawan ko o kaya gumanda na ako tulad ng mga dinidate nya tapos magustuhan niya na din ako. Kaso kailan pa yun? Pag uugod-ugod na siya? Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa sa mga naiisip ko. Nasan na ba kasi yun? Siguro magsasampung minuto na siyang di bumabalik. Ano na kayang nangyari dun. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang sakto namang dumating siya. May daladala siyang mga paper bags at isang bouquet ng red rose. Nakangiti siyang lumapit sa akin at inabot ang isang bouquet ng red rose. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti ng malawak. First time ko lang kaya mabigyan ng bulaklak ng isang lalaki. Lalo pa ng lalaking pinakagugusto ko kaya sobrang saya ko ngayon. Kahit sino naman sigurong bigyan ng bulaklak ng isang Caleb Craig ay matutuwa din. "Maupo ka lang dyan habang sineset-up ko ito," aniya at inilabas na ang laman ng isang paper bag. "Picnic carpet?" Takang sabi ko. "Yes, princess." "For what?" Nalilito kong tanong pero may ideya na din naman kung para saan iyon. "Maupo ka lang d'yan at mag-intay okay?" Inilatag na niya ang carpet at sunod naman niyang inilabas ang laman ng isa pang paperbag na puro naman pagkain. May dalawang lata pa ng alak na kasama. Omg, 'wag niyong sabihin mag-pipicnic kami ngayon sa ilalim ng buwan? Omg, that's so sweet! "Para sa akin lang itong alak baka akala mo. Malalagot ako kay tito kapag hinayaan kitang uminom," aniya nang makita nya akong nakatingin sa alak. "Hindi naman ako malalasing sa isang lata na yan, eh." "Bakit mo alam?" Agad na pinaningkitan niya ako ng mga mata. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?" "Wala ah! Alam ko lang kasi naririnig ko sa mga kaklase ko na hindi naman daw nakakalasing ang isang lata ng beer." "No. Hindi pa din pwede. Halika na dito." Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong hilahin paupo sa tabi niya. "Pasensya na ito lang ang date na nakayanan kong ibigay sayo. Hindi kasi ako nakapaghanda, eh di sana nakapag pa reserve ako kaagad sa isang restaurant," aniya. Nag-init ang mga pisnge ko. "No. It is more than enough. I like it."  "You do?" "Sobra." Ngumiti siya at tumayo upang i-offer sa akin ang kanyang kamay. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ang laki talaga ng epekto ng lalaking ito sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ko ito unang naramdaman sa kanya. Basta isang araw nagising na lang ako na siya ang hinahanap-hanap ko palagi. At kapag wala siya sa tabi ko ay nalulungkot ako at parang di kompleto ang araw ko. "Can I have this dance?"  Tinanggap ko kaagad ang kamay na inaalok niya at inilalayan niya akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa picnic carpet. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya habang ang mga kamay naman niya ay ipinulupot niya sa aking baywang. "Okay lang talaga tayong sumayaw nang walang tugtog?" "Eh di, magpapatugtog." Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. Nag-play siya ng isang romantic song at inilapag na niya ang phone sa carpet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD