002

1199 Words
Kabanata 2 Z A C H I A Nagsimula na kaming gumalaw kasabay ng pagtugtog ng kanta. Para akong nananaginip lang sa mga oras na iyon. Hindi ko magawang ialis ang aking tingin mula sa kanyang mukha.  Nangyayari ba talaga ito? Sa mga libro't palabas ko lamang nababasa at napapanuod ang mga ganitong klaseng eksena. Hindi ko akalaing pupwede pala itong mangyari sa totoong buhay at sa akin pa talaga. He's so romantic! Ano ba ito! Baka mas lalo lamang akong mahulog sa kanya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Bakit ba kasi ganito ang turing niya sa akin. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko isa talaga akong prinsesa dahil ibinibigay niya ang lahat ng gustuhin ko at hindi siya papayag na malulungkot ako. Kaya sige nga kung kayo kaya ang nasa kalagayan ko tingin niyo ba mapipigilan niyo ang sarili niyong huwag mahulog sa kanya? Bonus pa yung napakagwapo at hot niya. Hays. Kung hindi lang talaga kapatid lang ang turing mo sakin kuya Caleb, ngayon mismo aamin na ako sayo ng nararamdaman ko. Ang hirap kayang magtago ng feelings sa taong palagi mong nakakasama pero natatakot din kasi ako, eh. Baka pag-umamin ako sa kanya bigla na lang siyang mailang at bigla na lang magbago ang trato niya sa akin. Ayoko ngang mangyari yun, kaya nga nagiging kontento na lang ako sa kung ano kami ngayon eh. Saka ko na iisipin siguro yung tungkol saming dalawa pag naka-graduate na ako. Malay niyo naman di ba magustuhan niya na ako kapag dumating yung araw na yun. Hindi naman na ako bata nun. Ilang buwan pa magiging eighteen na ako at malapit na din akong mag-college kaya konting tiis pa, Chia. Masasabi mo din sa kanya ang tunay mong nararamdaman. "Are you happy?" Tanong niya ilang sandali. Sunod sunod akong tumango.  "You sure?" "Yup. Best night ever!" "Good," aniya at ngumiti. Pinusod niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko sa aking tainga dahilan upang uminit ang pisnge ko. "Namumula ka. Nilalagnat ka ba?" Hinipo niya ang nuo ko pati na ang leeg ko. "Wala ka namang lagnat." "I-Ikaw talaga Caleb, blush on lang yan. Wag mo na isipin yan. Maupo na tayo."  Ngumiti siya at tumango bago kami naupo sa picnic carpet. Binuksan niya ang alak na nasa tabi niya at ininom iyon. Sandali kong palihim na pinagmasdan ang kanyang mukha. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae ngayong gabi dahil ako ang kasama ng lalaking ito ngayon. Ako ang date niya ngayong gabi at sobrang saya ko talaga dahil doon. Hindi talaga siya nabibigong pasayahin ako. Kahit anong gawin niya napapasaya niya na ako kahit maliliit na bagay lang.  Kaya minsan di ko maiwasang matakot eh. Pano na lang kasi kung isang araw makahanap siya ng babaeng mamahalin niya? Paano na ako? For sure mababawasan na yung oras niya sa akin. Hays. Bakit ba kasi ang late kong pinanganak? Gusto ko na tumanda agad! Gustong gusto ko talaga si Caleb pero hindi ko alam kung paano ko ipaparating sa kanya yun. "May tanong ako." "Ano yun, princess?" "Umaasa ka pa din ba tulad ni Ate Yakira na babalik pa ang kuya ko?" biglaan ko lang na tanong. Ewan ko ba pero nitong mga nakakaraang araw lagi ko kasing napapanaginipan si kuya at sa panaginip ko buhay na buhay siya. Ilang taon na mula nang mawala sa amin si kuya, ang daming nagsasabi na patay na daw siya pero may isang taong nananiwalang buhay pa siya. Yun ay walang iba kundi si ate Kira. Hanggang ngayon kasi umaasa pa din siya na babalik si kuya kahit sobrang labo na mangyari nun. Ilang taon na ang lumipas kung buhay pa si kuya dapat matagal na siyang bumalik dito sa amin.  Pero bakit palagi ko siyang napapanaginipan? "Ayokong magsalita ng tapos. Walang kasiguraduhan sa mundong ito Chia." "Ang tatag ni ate Kira no? Kahit ilang taon silang hindi magkasama ni kuya hanggang ngayon mahal niya pa din ito. Ganun siguro pag true love no?" Ngumiti si kuya Caleb at ginulo gulo ang buhok ko. "Anong alam mo sa love? Masyado ka pang bata para doon. Wag mo ng problemahin ang problema ng matatanda. Dapat nag-eenjoy ka lang." "Grabe ka naman sa akin! Ilang buwan na lang naman mag eighteen na ako. Hindi na ako bata no!" "Kahit na. Ikaw pa din ang baby ng barkada kaya para sakin bata ka pa din. Baka naman pagtungtong mo ng eighteen mag-boyfriend ka na agad. Zachia ah! Binabalaan na kita ngayon pa lang, walang mabuting maidudulot sa'yo ang pag boboyfriend na yan. Paglalaruan ka lang ng mga lalaki d'yan lalo na't alam nila na wala ka pang karanasan sa mga relasyon na yan. Pagsasamantalahan ka lang nila. Lalaki ako kaya alam ko." "Hindi mo naman ako pagsasamantalahan di ba?" wala sa sariling sabi ko. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Caleb sa sinabi ko. "Ano yun?" lito niyang tanong. "What I mean is hindi mo naman ako hahayaang pagsamantalahan ng kung sino, di ba?" "Oo naman. Walang sino man ang makakapanakit at makakagalaw sa'yo hanggat nandito ako sa tabi mo." Sumimangot ako. "Eh, pano kung magka-girlfriend ka na?" "Matagal pa yun. Wala pa sa isip kong pumasok sa isang relasyon. Okay na muna ako sa ganito." "Talaga?" Kung ganoon may oras pa ako. Hanggat single ka pa may pag-asa pa ako. Kaya self please bilisan mo na tumanda para pwede na kami. "Promise yan ah?" "Sure." "Pag ikaw nag-girlfriend agad magtatampo talaga ako sa'yo!" "Sus! Kailan ba ako hindi tumupad sa usapan natin?" "Never." "See?" Nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-ano ni Caleb hanggang sa pareho kaming dalawin ng antok kaya napagdesisyonan naming umuwi na. Kawawa naman kasi siya mukhang antok na antok na siya tapos mag-ddrive pa siya hanggang sa bahay tapos sa condo niya. Sinamahan na nga niya ako ngayong gabi tapos aabusuhin ko pa kaya naman ako na mismo ang nag-aya sa kanya umuwi kahit na gusto ko pa siya makasama. Pagdating sa bahay ay pinapasok ko na muna si Caleb para pagkapehin bago siya umuwi. Baka kasi makatulog na siya habang nag-ddrive. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may mangyaring masama sa kanya. "Matulog ka na. Ako na lang ang mag sasarado ng gate bago ko umalis," aniya. "No. Hintayin na kita matapos."  "Are you sure?" "Oo naman. Salamat ulit, ah. Sobrang nag-enjoy ako ngayong gabi. Iyon ang first ever date ko!" Nakangiting sabi ko. "Wala yun. Di ba sinabi ko naman sayo na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." "Palagi mo na lang akong pinapasaya. Hayaan mo next time babawi ako sa'yo." "Really? Asahan ko yan, ah." "Oo naman." Inihatid ko na sa may pinto si kuya at nagpaalam na din. "Ingat ka." Di mawala sa mga labi ko ang ngiti. "Goodnight, princess," aniya sa namumungay na mga mata. Tumingkayad ako at mabilis na binigyan siya ng isang halik sa pisngi bago mabilis na pumasok sa loob ng bahay upang makatakas sa kahihiyan. Sobrang saya ko ngayong gabi at mukhang hindi na yata ako makakatulog nito kakaisip sa nangyari ngayong gabi. First date namin ng taong pinakamamahal ko. Akala ko noon sa mga libro ko lang mararanasan ito kaya sobrang saya ko talaga ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD