Kabanata 3
Z A C H I A
Halos hindi ako makatulog kakaisip sa mga nangyari kanina. Hindi pa din ako makapaniwala na nag-effort si Caleb para lang mapasaya ako ngayong gabi. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi rin naging maganda at masaya ang kinalabasan ng gabi ko. Kung sa bagay lagi naman talaga siyang nag eeffort para mapasaya ako. Bakit kaya niya 'yon ginagawa para sa akin? Pakiramdam ko tuloy ngayon sobrang importante kong tao para sa kanya. Lagi niya pa akong pinagbibigyan sa mga luho ko. Kahit kailan hindi niya ako nagawang tanggihan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa katulad niya? Halos nasa kanya na yata ang lahat. Wala akong masabing masama tungkol sa kanya. Yes, I know, walang perpektong taong nabubuhay sa mundong ito, pero wala, eh, sa paningin ko kasi sobrang perfect niya.
My prince charming...
Nakababatang kapatid nga lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Hindi ba puwedeng magbago 'yon? Lagi niya akong pinagbibigyan sa lahat ng bagay at pinasasaya, hindi kaya gusto na din niya ako pero dahil malayo ang agwat ng edad namin ay hindi niya iyon magawang maamin sa akin?
Halos matawa ako sa sarili kong iniisip.
Seriously? Masyado naman yata akong nagiging assuming. Imposibleng magustuhan ako noon. Ang layo ko naman sa mga tipo niyang babae. Hindi ako kasing ganda at sexy noong mga babaeng tipo ni Caleb. Sobrang layo ko sa mga iyon. Masyado pa akong nene kung ikukumpara sa mga 'yon. Walang-wala talaga akong laban.
Bakit ba kasi ang tagal kong tumanda? Gusto ko nang tumanda agad para naman magkaroon na ako kahit papaano ng pag-asa kay Caleb.
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ko at tinignan ang sarili kong reflection sa salamin. Napasimangot ako at nadismaya. Tignan mo nga yang katawan mo Zachia. Masyado pang pang-bata. Wala man lang ka laman-laman 'yang dibdib mo, tapos wala ka pang pwet. Pano ka naman niyan magugustuhan ni Caleb? Nababaliw ka na talaga!
Ang gusto no'n ay iyong mga may magagandang katawan. Malaki ang hinaharap at matambok ang pwet, hindi tulad sa akin na parang kawayan ang katawan. Siguro kapag medyo tumanda ako gaganda din ang katawan ko. Hindi, talagang magpapaganda ako ng katawan para sa kanya. Para may laban naman ako sa mga nagiging babae niya.
Ah basta! Hindi ako hihinto na mahalin ng patago si Caleb dahil lang malayo ang agwat ng edad naming dalawa. Hindi naman ako habang buhay na bata, ano! Magkakalaman din 'tong dibdib saka pwet ko, tiwala lang. Kaya ko naman mag work out kung gugustuhin ko. Hindi lang muna siguro ngayon. Baka isipin niya may pinagagandahan akong ibang lalaki sa school. Ah basta! Hindi ako susuko hanggang sa dumating na ang tamang panahon para sa amin ni Caleb. Hanggang sa dumating ang tamang panahon na maamin ko din sa kanya ang nararamdaman ko na ito.
Muli akong nahiga sa kama ko at niyakap ang paborito kong unan. Ito yung unan na ginamit ni Caleb nung nakitulog siya sa guest room namin. Kinuha ko ito at gabi gabi ko itong niyayakap bago matulog sa pamamagitan nito nafefeel ko na parang siya na din ang kayakap ko. Ang sarap sarap matulog. Hmm! Ang sarap-sarap amoyin. Naaamoy ko ang pabango niya.
Oo na, ako na ang patay na patay sa kanya. Bakit? Masama bang magkagusto ako sa kanya? Sa tingin ko wala namang masama doon as long as wala naman akong natatapakang ibang tao. Wala din naman sigurong masama sa paghanga sa isang tao. Lahat naman tayo may karapatang magkagusto at humanga.
Kinabukasan, pinilit kong gumising ng maaga para mag bake ng cookies. Gusto kong baunan ang mahal ko ng gawa ko, pasasalamat man lang sa ginawa niyang effort kagabi para mapasaya ako. Ilang beses na ba siyang nag effort para mapasaya ako? Siguro naman tama lang na ibalik ko sa kanya iyon.
Ilang messages ang natanggap ko mula sa mga kaklase at kaibigan ko. Tinatanong nila kung bakit hindi ako nakapunta sa party kagabi. Isa-isa ko namang in-explain sa kanila ang nangyari. Sayang talaga dahil hindi ko man lang naipakilala sa mga kaibigan ko ang future boyfriend ko. Ipagmamayabang ko pa naman sana sa mga kaibigan ko si Caleb kagabi. Pero okay lang naman at least nasolo ko ang hubby ko. Iyon naman ang mas mahalaga. Oo na, ako na ang assuming dito. Hindi naman siguro masamang mangarap paminsan-minsan. Kaso masyado naman yatang mataas ang pangarap ko.
Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Napakasaya ko talaga kagabi. Kung pwede lang gabi gabi ko siyang kasama tulad no'n, eh. Kaso syempre imposible 'yon at hindi naman pwede. Alam ko naman ang papel ko sa buhay niya. Para lang akong nakababatang kapatid para sa kanya. Oo, masakit pero iyon ang masaklap na katotohanan. Para lamang akong nakababatang kapatid sa paningin niya.
Habang ginagawan ko ng cookies si Caleb ay may biglang tumakip sa mga mata ko. Hindi ko na kailangan pang makita ang mukha ng taong iyon dahil sa amoy pa lang niya ay siguradong sigurado na ako kung sino siya. Napangiti ako ng malawak. Magkasama lang kami kagabi tapos nandito nanaman siya sa bahay. Tinanggal ko ang kamay niyang tumatakip sa mga mata ko at bumaling na sa kanya.
"Kuya Ethan?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Kuya Ethan nang humarap ako sa kanya. Nakataas na ngayon ang dalawang kilay niya na para bang namamamgha sa naging reaksyon ko.
Actually, nagulat talaga ako na siya ang nandito. Akala ko kasi… Ugh! Nevermind.
"O bakit parang disappointed ka? May iba ka bang ineexpect?" Mas lalong nangunot ang kanyang noo sa tanong na iyon.
Mabilis akong umiling. Kailan pa nagbago ng pabango tong si kuya Ethan? Akala ko tuloy ang mahal ko na.
"W-Wala Kuya Ethan. Nagulat lang ako na binisita mo ako. Sabi kasi ni Kuya Caleb busy ka daw nitong mga nakakaraang araw. Kaya nagulat ako na napadalaw ka bigla dito."
"Are you sure?" Muling tumaas ang kanyang mga kilay.
"Oo naman po."
"Para kasing may ibang tao kang iniexpect. Anyway ano ba yang ginagawa mo?"
Si kuya Ethan talaga. Sobrang obvious ko ba para mahalata niya pa yun? Ang lakas talaga makaramdam nito pero hinding hindi ako makakapayag na malaman niya ang nararamdaman ko para kay Caleb. Walang ibang makakaalam ng tungkol duon kundi ang sarili ko lang. Ayoko ngang masira ako sa mga mata ni Caleb. For sure kasi iiwas na yon kapag nalaman niyang may nararamdaman ako para sa kanya. Baka mailang na siya at hindi na kami maging katulad ng dati. Ayaw kong umabot sa puntong iyon.
"Wala to kuya Ethan. Gusto ko sanang bigyan si kuya Caleb nitong mga cookies para sa pag sama niya sa akin kagabi." Nakangiti kong sambit.
"Oh, I see. Siya din ba ang ine-expect mo kanina?"
"Huh? Hindi ah. Nagulat lang talaga ako sa'yo kuya promise."
Nagkibit balikat lang si kuya Ethan at hindi naman na ako kinulit pa. Mabuti na lang din dahil ang hirap kayang mag deny. Iyan ang pinaka mahirap gawin sa lahat. Lalo na kapag obvious na obvious na.
"Nga pala here, pakibigay na lang kina tita. Kailangan ko pa kasing umalis."
May inabot sa aking envelope si kuya Ethan.
"Ano yan kuya Ethan?"
"Mga documents lang 'yan na pinasuyo nila tita. Sige na baby girl mauna na din ako. May mga kailangan pa din kasi akong tapusin. Maiwan na kita dito. Sarapan mo 'yang ginagawa mo, ah. Tapos sa susunod ako naman ang gawan mo."
Ngumiti ako at nagpaalam na din sa kanya.
"Sige po, Kuya Ethan. Ako na pong bahala dito."
Yumakap na ako kay Kuya Ethan at nagpaalam na. Mula nang mawala si Kuya naging mas malapit ako sa mga kaibigan niya. Para na din nila akong nakababatang kapatid kung ituring kaya nga siguro hanggang ngayon wala akong nagiging boyfriend, eh. Well, isa na din siguro sa mga rason kung bakit hindi ako nagkakaroon ng boyfriend ay dahil may iba ng nagugustuhan ang puso ko mula pa man noon at iyon ay walang iba kundi si Caleb.
Sino pa nga ba? Napabuntong hininga na lamang ako.
Hays, hanggang saan kaya ako dadalhin ng nararamdaman kong ito para kay Caleb? May pag-asa pa nga ba talaga ako sa kanya? O nag-iilusyon na lang ako? Alam ko na malabo naman talagang patulan niya ako pero siguro naman ay may konting chance pa din na mapansin niya ako sa future kapag narealize niya na hindi na ako bata.
Sa totoo lang, hindi ko ma-imangine na magiging boyfriend ko si Kuya Caleb. Oo, pinapangarap kong mangyari iyon pero parang napaka imposible yatang mangyari no'n. Sa sobrang imposible, hindi ko tuloy ma-imagine.
Paano ba siya magiging boyfriend sa akin? Tulad pa din ba ng dati ang magiging trato niya sa akin? Inaalagaan, pinagsisilbihan at pinagbibigyan sa lahat ng bagay. Ganoon din siguro siya kapag naging boyfriend ko na siya, may magbabago lang ng konti siguro. Baka mas lalo siyang maging extra sweet, o baka mas lalo akong maging clingy sa kanya. Hindi ko na siya paalisin sa tabi ko? Baka sa sobrang baliw ko sa kanya no'n, hilingin ko na din kina mom na tumira na sa condo niya.
Hindi ko maiwasang matawa sa mga pinag-iisip ko. Napaka imposibleng mangyari ng mga bagay na 'yon. Lalo na't sobrang higpit sa akin ni Dad. Hindi 'yon papayag na makitira ako sa ibang bahay. Lalo na kung sa boyfriend ko. Masyado kasing istrikto ang parents ko. Kay Kuya lang naman sila medyo naging maluwag noon pero noong nawala si Kuya, naging mahigpit sila. Pero bakit ko nga ba iniisip pa iyon, eh, malabo namang mangyari 'yon.
Hay naku, nangangarap ka nanaman ng masyadong mataas, Zachia.
Nag-ayos na ako pagkatapos kong maihanda ang mga cookies na para kay Caleb, saka ako nagpahatid sa driver namin papunta sa condo niya. Nang nasa tapat na ako ng unit niya at handa na sanang mag-doorbell ay may narinig akong boses ng babae mula sa loob. Doon ko lang napansin na nakabukas pala ang pinto ng unit niya. Nakaawang ito ng bahagya kaya rinig ko ang nangyayari sa loob.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Humahalinghing ang babae na akala mo ay kinikiliti ng sobra. Bigla akong nanghina nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari sa loob at kung ano ang ginagawa nila doon.
Dali-dali akong tumalikod at tumakbo paalis sa takot na may marinig pa ako. Ayokong marinig pa ulit ang paghalinghing ng kung sinumang babaeng naroon. Hindi ko kayang isipin na may nangyayari sa kanila at wala akong magawa dahil wala naman akong karapatan. Isa lamang nakababatang kapatid ang turing sa akin ni Caleb. Wala akong laban sa mga babaeng nakakasama niya dahil bata lang ako sa paningin niya. Wala pa akong maipagmamalaki sa kanya, wala akong mayayabang. Hindi gano'n kalaki ang boobs ko tulad ng mga model na na-li-link sa kanya. Hindi ako gano'n ka attractive tingnan tulad ng ibang mga babae d'yan na nakakasalamuha niya. Wala pa akong experience pagdating sa love o kahit sa s*x kaya paano naman akong magugustuhan ni Caleb? Imposible talaga iyon.
Habang tumatakbo ako palabas ng building ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay kaya naman ang hawak kong box of cookies ay tumilapon sa sahig. Tinignan ko ng masama ang lalaking bumangga sa akin. Ang lawak lawak ng daan bakit hindi man lamang siya umiwas no'ng nakita niya akong paparating?
Naghalo-halo ang inis ko sa nangyari kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong ibuntong lahat ng galit sa lalaking nakabangga.
"Are you blind? Hindi mo ba ako nakikita? Tingnan mo tuloy ang nangyari sa mga cookies ko! Alam mo bang pinaghirapan ko 'yan? Gumising pa ako ng maaga para lang maperfect ang paggawa niyan pagkatapos masasayang lang pala dahil lang hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"
Nagsalubong ang kilay ng lalaki sa inasta ko. Tila ba bigla na din siyang nairita dahil sa asta kong ganoon.
"Seriously? Ako pa talaga ang sinisi mo sa pagiging careless mo? Look little girl, you see, hindi ito playground or park para magtatakbo ka."
Mas lalo akong nairita sa naging sagot niya.
"Ang kapal mo! Hindi na ako bata! Ikaw na nga itong may atraso, ikaw pa itong may ganang manukso! Ang kapal talaga!"
"Whatever, baby girl," aniya at balak pa sana akong lagpasan na lang, pero dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya, hindi ko siya hinayaang umalis na lang.
"Anong baby girl? Hoy lalaki wala kang karapatang tawagin akong ganyan! Hindi tayo close, 'no! Ang kapal talaga ng mukha mo!"
"What do you want me to call you then, kid?" Tila tinatamad niyang tanong sa akin.
Sa inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya ng malakas. Nang makita ko ang gigil na gigil niyang ekspresyon ay agad naman akong kumaripas ng takbo palayo.
Gosh! Sumobra naman yata ako doon. Sa sobrang inis ko ay nakapanakit na ako. Ugh! Pero deserve naman niya 'yon dahil bastos siya! Tinawag niya pa akong little girl tapos baby girl! Ang kapal ng mukha niya! Sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na laitin ako ng gano'n? Siya na nga itong nakatapon ng cookies ko, siya pa ang may ganang mang-asar.
Humahangos na bumalik ako sa parking lot kung saan nag-park si manong. Nagtaka pa siya nang makita niya akong hinihingal pero hindi naman na siya nagtanong pa.
Akala siguro ng mayabang na lalaki na 'yon hindi ko siya kayang patulan. Tinawag pa akong bata. Yan tuloy napala niya. Ngayon pa talaga siya sumabay king kailan mainit ng ulo ko, ah! Bwisit siya! Nasayang tuloy ang mga cookies na ginawa ko.
Bigla kong naalala ang narinig kong ungol ng isang babae sa loob ng unit ni Caleb. Automatic na napasimangot tuloy ako. Ayoko na sanang isipin pa iyon pero hindi ko mapigilan.
Dumiretso na kami ni manong sa school gaya ng sabi ko sa kanya. Pagdating sa classroom ay naabutan ko pa ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa isang pwesto kaya naman agad akong nagtaka.
"Anong meron?" tanong ko sa kaibigan kong si Moira.
"Ah wala yan. Pinag-uusapan lang nila ang tungkol sa bago nating instructor. Huwag mo na pansinin 'yang mga yan at may dapat kapang ikwento sa akin! Bakit wala ka sa party kagabi? Akala ko ba ipapakilala mo na sa akin 'yang prince charming mo? Ano nangyari? Bakit hindi kayo nakarating? Hindi ka sinipot, 'no? Kaya ka nakasimangot nang dumating dito?" Nakataas ang kilay na sabi nito.
Bigla tuloy akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Best night ever talaga kung hindi ko lang narinig iyong kung sino mang malanding babae 'yon sa condo ng mahal ko. Oo malandi siya! Para sa akin isa siyang malanding babae.
Tsk! Lakas maka sira ng araw talaga.
"Oh bat nagsasalubong na 'yang kilay mo, wala ka pa ngang naikukwento?"
"Alam mo Moira mas mabuti pang sa ibang araw ko na lang ikwento sa'yo ang nangyari kagabi. Nawalan kasi ako ng gana bigla."
"At bakit naman?" Tumaas ang kilay niya.
"Wala. May nakakabwisit lang akong nakabangga kanina bago pumasok. Napaka arogante akala mo kung sino. Tinawag ba naman akong little girl at baby girl. Ang kapal ng mukha!" Sa totoo lang hindi naman talaga iyon ang pinaka kinabubwisitan ko pero dahil ininis niya ako damay na din siya sa sama ng loob ko ngayong araw.
"Hay naku! Akala ko naman kung ano nang ginawa sa'yo. Iyon lang naman pala parang bwisit na bwisit ka na d'yan at sirang-sira na ang buong araw mo."
Sinimangutan ko si Moira. Kung alam niya lang. Sirang-sira talaga ang araw ko sa narinig ko sa unit ng mahal ko. Sino ba naman kasing hindi masisira ang araw pag makarinig ng gano'n? Magkasama lang kami kagabi tapos ngayon may kasama na agad siyang ibang babae.
Tsk. Gano'n ba talaga ang mga lalaki? Hindi ba nila kayang mabuhay ng walang s*x?
Bigla ko tuloy naisip, kung magkakaroon ba ako ng pag-asa kay Caleb, ibig sabihin gagawin din namin ang mga bagay na 'yon? Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang maisip ko iyon. Agad akong napailing. Ano ba naman yan Zachia! Kung ano-ano naman kaagad ang naiisip mo! Hindi ka dapat ganyan kadumi mag-isip! Nakakahiya kay Caleb kung malalaman lang niya ang mga iniisip ko ngayon.
"Nandyan na siya!" Sigaw ng isa kong kaklase habang papasok ng classroom.
Agad na nagsipag retouch naman ang mga kaklase kong babae sa hindi ko malamang dahilan. Anong meron at kailangan pa nilang mag-retouch at magpaganda?
Napailing na lang ako at inabangan ang pagpasok ng bago naming instructor pero agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko nang mamukhaan ko ang lalaking pumasok sa classroom namin. What the hell! Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Oh my! Ang ibig sabihin ba nito ang lalaking ito ang bago naming instructor? Agad na napatakip ako ng mukha at napayuko upang hindi niya ako makilala.
Damn it! Baka mamukhaan niya ako. s**t naman! Napaka malas naman ng araw na 'to, o. Bakit ba kasi sa dami daming taong makakabunggo ko kanina itong bagong instructor pa namin ang naka bunggo ko? Baka mamaya ibagsak ako nito dahil sa ginawa ko sa kanya. Naman, o! Ang malas talaga.