Kabanata 33 Z A C H I A Pagdating namin sa resort ay agad kaming dumiretso sa kanya-kanyang kwarto. Dalawa sa bawat room. Kaming dalawa ni Ate Kira ang magkasama sa iisang kwarto dahil hindi pumayag si Caleb na magsama sila ni Kuya Sander sa iisang kwarto lang. Doon ko napagtanto na strikto din pala si Caleb pagdating kay Ate Yakira. Sadyang matigas lang ang ulo ni Ate at ayaw siyang sundin. Buti ngayon pinagbigyan niya si Caleb kung hindi baka wala akong kasama sa kwarto ngayon. "Ate Kira, mukhang okay na kayo ni kuya ngayon, ah," sabi ko nang mapag-isa na lang kami ni Ate Kira sa kwarto. "Magkaibigan na kami," ngumiti ako. Simula kasi nang bumalik si Kuya, hindi na maganda ang trato niya kay Ate Kira. Para bang inis na inis siya kapag lumalapit ito sa kanya, kahit na ang gusto lang

