053

2046 Words

Kabanata 53 Z A C H I A Pagdating sa hotel room namin ay nag shower lang ako sandali at naghanda para sa first dinner namin dito sa Spain. Mula nang dumating kami dito ay parang maya't-maya kaming kumakain. Kanina nagpahatid kami ng miryenda pagdating namin tapos kumain pa kami ng cake. Tapos ngayon dinner naman. S’yempre pinaghandaan ko ang gabing ito. Nag-ayos ako ng mabuti habang nasa shower si Caleb. Nang lumabas siya ay hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng buhok ko. Tiningnan ko siya mula sa vanity mirror na nasa harapan ko at medyo nadismaya ako nang makitang nakabihis na siya. Nag-expect pa naman ako na makikita ko siyang topless at may tuwalyang nakapulupot sa kanyang baywang, tapos tumutulo sa kanyang dibdib ang mga patak ng tubig mula sa kanyang buhok. Napailing ako sa naisip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD