Kabanata 47 Z A C H I A "Nakita mo na? Wala akong tinatago. Umuwi ka na, Zachia,” aniya sa malamig pa ding tono. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkakaganito ngayon. "Bakit ba panay ang pauwi mo sa akin? Siguro nga may tinatago ka talaga dito! Nasaan ang babae mo? Nasa kwarto mo?" Nagsimula na akong humakbang patungo sa pangalawang palapag ng unit niya nang bigla siyang magsalita. "Wala akong tinatago sa'yo, ikaw may tinatago ka ba sa akin?" Napaawang ang mga labi ko at agad akong natigilan sa paghakbang. Parang biglang tumalon ang puso ko sa kaba dahil sa kanyang tanong. Oh, no! Alam niya ba? Pero paano niya malalaman iyon, eh, wala naman siya dito no'n. Kauuwi niya lang kaninang umaga sabi niya kaya bakit niya malalaman? Pero naisip ko bi

