Kabanata 10 Z A C H I A "Ayan lang ang kakainin mo?" Taka niya nang makitang kumuha lang ako ng isang pancake at inilagay iyon sa aking pinggan. "Hmm, yes. Nag didiet ako ngayon." For you... Noong isang linggo ko pa naisip na simulan nang mag diet at mag gym para naman magkakorte na itong katawan ko. Ang sabi kasi ng mga kaklase ko older men likes sexy girls. Iyon bang malaki ang dibdib at ang pang-upo tapos ang baywang ay maliit lang. ‘Yon bang mala hourglass ang katawan kagaya no’ng babaeng minsan ko nang nakitang kasama niya no’ng kumain kami ng kaklase ko sa isang coffee shop noong fifteen years-old pa lang ako. Hindi ko makakalimutan ‘yon kasi sobra din akong nasaktan no’ng nakita ko siyang may kasamang ibang babae no’n. Siguro naman kapag maging gano’n na din ang katawan ko may

