LORIE LOVE “Ninong, this is too much na,” sabi ko sa kanya. “Kulang pa nga ito, gusto kong ibigay ang lahat sa ‘yo,” sabi niya sa akin at sa sobrang tuwa ko sa kanya ay niyakap ko siya ng mahigpit. “Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa ‘yo at naging mabait ka ng ganito pero masaya ako. Alam mo ba na sobra akong disappointed ako noong una kitang nakita. Kasi naman ang suplado mo tapos hindi mo ako tanggap na inaanak mo,” sabi ko sa kanya. “Nakonsensya ako sa ginawa ko sa ‘yo kung alam mo lang. Pero nagulat rin ako nang makita kita sa bahay,” sabi ko sa kanya. “Pero nagsungit ka pa rin naman e–” “Alangan naman na yakapin kita,” natatawa na sabi niya sa akin. “Huwag ka ng magbago ha. Ganito ka na lang ha,” natatawa na rin ako. “I’ll try,” sabi niya sa akin. “Hindi pa ba tayo u

