LORIE LOVE “Good night, ninong ko.” nakangiti na sabi ko sabay halik sa pisngi niya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at humiga na kaming dalawa sa higaan ko pero nasa ibabaw niya ako. “N–Ninong–” “Bakit ba ang gaan mo?” nakangisi na sabi niya sa akin. “Talaga ba? Magaan ako? Malakas kaya ako kumain.” “Ang sexy mo, kahit na ang manang mong manamit ay sexy ka pa rin,” pabulong na sabi niya sa akin kaya medyo nahiya ako. Ito yata ang unang beses na pinuri niya ako na sexy ako. “Matulog na tayo, bitiwan mo na ako para makahiga na ako,” sabi ko sa kanya. “Ayaw ko,” sagot niya sa akin. “Ninong, inaantok na ako,” sabi ko sa kanya. “Ako rin naman, Love. Hayaan mo na lang ako, hindi ka naman mabigat kaya matulog ka na, matulog na tayong dalawa,” nakangiti na sabi

