LORIE LOVE “N–Ninong, sinasabi ko sa ‘yo lagot ka kay nanay,” sabi ko ulit sa kanya. “Saka ko na lang haharapin ang galit ni nanay,” nakangisi na sabi niya sa akin. “‘Wag ka ngang ganyan,” sabi ko sa kanya. “Natatakot ka ba sa akin?” “Oo,” sagot ko sa kanya. “Ako rin, takot rin ako sa sarili ko. Baka kasi may magawa talaga ako na hindi ko dapat gawin sa ‘yo. Ayaw kong umalis ka na naman at iwan ako,” sabi niya sa akin. “Kaya dapat isipin mo na lang ang itak ni tatay kung ayaw mo na umalis ako. Alam mo ba na malaki ang tiwala nila sa ‘yo. Sure ako na kapag nalaman nila na hinahalikan mo ako ay tatagain ka niya,” medyo pabiro na sabi ko sa kanya pero totoo na malaki ang tiwala sa kanya ng magulang ko. Ni hindi nga nila alam na may ganitong nangyayari sa aming dalawa ni ninong. Kahit

