LORIE LOVE Mukhang tulog na talaga siya. Kaya naman tumabi na ako sa kanya. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko. Wala rin namang akong magagawa dahil sinabi na niya sa akin na dito talaga siya matutulog. Hindi pa naman ako inaantok at nakatitig lang ako sa mukha niya. Napangiti ako dahil ang bait na talaga siya. Siya na ang nagluto siya pa ang naghugas ng mga hugasin. Parang nahihiya na akong kunin ang sahod ko dahil sa ginagawa niya. Sa totoo lang, ang daming nangyari ngayong araw. Nakulong ako, tinubos niya ako. Tapos pag-uwi namin ay may pa dinner date siya sa akin. Kung iisipin ay ang suwerte ko sa kanya. Pero may pag-aalangan pa rin akong nararamdaman sa puso ko. Alam ko na nagugustuhan ko na rin siya. At alam ko na kailangan ko pa ng oras para alamin kung kaya ko bang panindigan

