Phoemela
After I spoke to the Dean, I told my friends na kakausapin ko si Jeremy. Ayaw pa sana nila noong una, pero nagpumilit ako. Gusto kong makausap ng masinsinan si Jeremy, so I sent him a text message, and told him I wanted to see him alone. He said yes, but he wanted us to meet in his pad, kaya naman pumunta ako mag-isa doon.
I rang the doorbell, and Jeremy opened the door for me. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay sinampal ko na kaagad siya at tinulak papasok ng kuwarto.
"How could you do this to me?" galit kong sinabi sa kanya at pinaghahampas siya. "I trusted you!" Sigaw ko.
"Calm down, babe..." sinalag niya ang mga hampas ko sa kanya. "It wasn't my fault." Dagdag pa niya.
"Kungdi ikaw, sino? Yang panget mong fiancée?" galit kong tanong.
Hindi naman siya nakakibo which confirmed that I was right. Kagagawan iyon ni Min Jee. Napasandal ako sa dingding at dahan dahan napaupo sa sahig. Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang buhok ko na parang sinasabunutan ko ang sarili ko.
Sa totoo lang, gusto ko talaga sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko makuhang magalit ng sobra kay Min Jee. May guilt kasi akong naramdaman. Alam ko kasi kung ano rin ang nag-trigger kay Min Jee na gawin iyon. Fiancé ni Min Jee si Jeremy, pero heto ako, pinipilit ang relasyon namin ng fiancé niya.
"Pero paano nagka-video in the first place?" nasambit ko habang pinipilit iproseso ang nangyari. Napatingin ako kay Jeremy na umupo sa sahig, paharap sa'ken. He reached out for my hand and kissed my palm.
"I'll try to fix it tomorrow. 'Cause... kahit 1 month pa lang tayo, I've grown to really like you, Pinkie. I want to keep you..." masuyo niyang inilagay ang palad ko sa pisngi niya.
"Like me? Keep me? Akala ko ba mahal mo ako?" naiiyak kong tanong.
Binitiwan niya ang kamay ko at galit na sumagot. "Like or love, pareho din yon, Pinkie!"
"Kahit na! Sa akin magka-iba yon! Gusto ko mahal mo ako! Gusto ko sa akin ka lang! Gusto ko hiwalayan mo na si Min!" Iyak kong demand sa kanya.
Hinablot ako ni Jeremy papalapit sa kanya. "That's not going to happen, and you know that!" Galit na sigaw sa'ken ni Jeremy na ikinatakot ko.
Hinila niya ako patayo at itinulak papunta sa sofa. Tumama yung ulo ko sa dingding kung saan nakadikit ang sofa. Bahagya akong nahilo pero pinilit ko pa rin tumayo as my instincts told me to fight back and escape. Pero mashadong malakas si Jeremy at tinulak niya ako pahiga na ikinasakit lalo ng ulo ko. Hindi ko tuloy namalayan na hinihila na niya yun underwear at pantalon ko pababa.
"Stop it!" Sigaw ko at nanlaban, pero pumatong na siya sa'ken, and slid his manhood inside me. Nasaktan ako kasi I was completely dry. Sino ba naman ang magkakagana, kung stressed na stressed ka? Napaiyak ako sa ginawa ni Jeremy. Siya naman ay mahigpit na nakaakap sa'ken habang patuloy siyang naglalabas pumasok na ikinaiyak ko lalo sa sakit.
"Sorry," sabi niya na may pagsusumamo. "Gulong gulo ang isip ko eh! Hindi lang naman ikaw ang may problema! Pati rin ako, dahil sa'ken galing yung video. I can be expelled from school for it. Pero hindi ako ang naglabas ng video na yon. It was just my personal collection..." aniya na nakaakap pa rin sa'ken. "It was Min who did that."
Ako naman patuloy ang paghikbi ko, nang may biglang tumulo sa mukha ko. Hinawakan ko iyon at nakita sa kamay ko ang pulang likido galing sa ulo ko.
"Jeremy," nasambit ko at natakot. Siya naman ay tumingin sa'ken at napatingin sa kamay kong may dugo.
"Oh, s**t! s**t! s**t!" Aniya at mabilis na tumayo. Nataranta siya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Itinaas na niya ang underwear at pantalon niya bago mabilis na umatras. "I'm... I'm going to ask help..." Aniya sa'ken sabay tumakbo papalabas ng pad niya.
Ako naman, kahit masakit ang ulo at katawan ko, tumayo ako para iangat ang underwear at pantalon ko, tapos kumuha ako ng maliit na towel sa cabinet niya para idampi sa ulo ko. Naupo ako muli sa sofa sa paghihintay sa kanya, pero parang limang minuto na ang nakakalipas at wala pa din si Jeremy, kaya naman nagdesisyon na akong lumabas sa pad niya. Kinuha ko muna ang bag ko at ang susi ng sasakyan ko dahil dadalin ko na lang ang sarili ko mag-isa sa hospital.
I went to the elevator, and pressed the button down. Ang tagal bumukas ng elevator at bahagya na akong nahihilo kaya kumapit ako sa pintuan ng elevator, praying hard na sana bumukas na ito bago pa ako mag-pass out. I guess, God heard my prayer, dahil bumukas ang pinto ng elevator at tumambad sa harapan ko ang pinakaguwapong anghel na nakita ko sa buong buhay ko. Siya yung lalaking nakita ko noong nagkamalay ako sa cakeshop. At mukhang siya rin ang lalaking nakikita ko ngayon, bago ako mawalan ng malay.
Nakita ko na nanlaki ang mata niya sa hitsura ko--- kung ano man iyon, dahil hindi ko na alam kung mukha akong nakakatakot sa ayos ko.
"Hi!" nahihiya kong ngiti to let him know I was just so happy to see him again. But everything turned black.
***
When I opened my eyes, it was not the handsome angel that I saw, but my friends who were all waiting for me na magkamalay.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Jackie at hinimas ang braso ko.
"Ayos lang," sagot ko na nagtataka kung paanong narito sila sa tabi ko ngayon. "Nasa hospital ba ako?"
"Oo." Matabang naman na sagot ni Rainbow. "At nasa kulungan na ang gumawa sa'yo nito!" Galit pa niyang sabi.
Pinigilan naman ni Jackie si Rainbow. "Rain, puwedeng kumalma ka lang? Pabayaan muna natin si Pinkie na makapagpahinga."
"Pinakulong? Pinakulong ninyo si Jeremy?" alala kong tanong.
"Jeremy?" kunot noong sambit ni Jackie at nagtinginan silang dalawa ni Rainbow, tapos bumaling muli sa'ken. "S-si Jeremy ba ang gumawa sa'yo niyan?" mahinahong tanong ni Jackie.
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang totoo dahil ayaw kong mapahamak si Jeremy. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang humingi ng saklolo, pero ayoko munang isipin na sinadya niya talaga akong iwanan duon sa pad niya hanggang sa maubusan ako ng dugo. Saka ko naalala yung guwapo at mabait na earth angel na nakita ko sa elevator, bago ako nag-pass out.
"Pinkie, pls tell us. Was it Jeremy who hurt and raped you?" tanong ni Jackie sa'ken.
"It wasn't like that..." I tried to explain pero hiyang hiya ako at hindi ko alam kung paano idedescribe yung nangyari sa'min ni Jeremy.
"Bakit pinagtatanggol mo pa rin siya? Baliw ka na talaga, Pinkie!" Galit na sabi ni Rainbow saka puomindot sa mobile phone at naglakad ng pabalik balik sa harap ng kama ko. "Ito po ba si SPO2 Bilyeza?" Tanong ni Rainbow sa kausap at saka humawak sa ulo nito. " Kasi po maling tao po ang naka-detain ngayon diyan sa presinto. Hindi po siya..."
Sa pagkarinig ko ng sinabi niya ay pinilit kong tumayo.
May naka-detain? Sino ang na-detain? Balak ba nilang ipakulong si Jeremy?
"Rain! Please! Pakiusap naman! Pakinggan ninyo muna ako." I squinted my eyes as I mustered the strength to sit up despite the pain on my head.
Inalalayan ako ni Jackie na umupo. Tumigil naman si Rainbow sa pakikipag-usap sa mobile phone niya. Tinitigan niya ako na parang nagdadalawang isip kung pagbibigyan ang kahilingan ko.
"Please, Rain..." naiiyak kong sambit. Bumuntong hininga ang kaibigan ko at tiningnan ang mobile phone niya, tapos kinausap muli ang pulis.
"Sir, pasensya na po pero tatawag na lang po ulit ako." Ani Rainbow at nagpaalam na sa kausap. Lumapit si Rain sa edge ng hospital bed at humarap sa'ken. "Oh, ano na ang ipapaliwanag mo?" Galit niyang tanong.
"Hindi ako ni-rape ni Jeremy at aksidente lang ang pagkaumpog ng ulo ko sa dingding..." paliwanag ko.
"Kung hindi aksidente yon, bakit hindi siya ang nagdala sa'yo dito sa ospital? At bakit may head injury ka, pasa sa mga braso, at abrasion which can only be caused by assault?" tanong ni Rainbow.
Hindi ko maiwasan mapangiti kasi parang lawyer lang kung magtanong si Rainbow. Naalala ko tuloy si Tanya at nag-wonder kung nasaan ang tatlo ko pang kaibigan.
"Wow, you sound like Tanya..." komento ko.
"Magseryoso ka nga!" Galit na sabi ni Rainbow. "May atraso ka pa sa amin ha? Bukod sa pinaglihiman mo kami na may relasyon na pala kayo ng t@r@nt@d0ng yon, ngayon naman hinahayaan mo lang siya na saktan at gamitin ka niya! Ang kapal talaga ng mukha niya!" Nakita ko na yung galit ni Rainboway naging sama ng loob, at nakita ko rin na napaluha siya. Tumalikod siya at nagmura habang pinupunasan ang mga luha niya. "Pinakulong namin yung nagdala sa'yo dito sa ospital, pero pupuntahan ko na siya sa presinto para makalabas na siya."
Hindi ko alam kung iniinform ako ni Rainbow o nagpapaalam ba siya, kaya hindi ako nakatugon kaagad. Umalis na siya na hindi nagpapaalam.
Ako naman nagpunas na rin ng luha at napabaling kay Jackie na hawak pa rin ang kamay ko.
"Sorry... and thank you..." naiiyak kong sabi sa kaibigan ko.
Jackie sadly nodded, expressing empathy towards my situation pero nahuli ko ang pagtulo ng luha niya.
"Pinkie naman eh... love ka naman namin... ayaw lang namin na mapahamak ka..." sabi niya.
I just nodded my head, and realized na naghahabulan na pumatak ang luha sa mga mata ko. Masakit para sa akin na makita ang mga kaibigan ko na nasasaktan para sa'ken. Masakit din para sa akin na isipin na tama ang lahat ng sinasabi nila tungkol kay Jeremy. Ang lalaking minahal ko from afar ng ilang taon. Ngayong abot kamay ko na siya, madidiskubre ko palang he's not really good for me...pero ang hirap. Mahirap para sa'ken na mag-let go dahil matagal ko din siyang pinangarap. Matagal ko din siyang minahal kahit hindi niya alam. Kung sana noon pa lang ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba... pero wala naman akong ibang nagustuhan kungdi si Jeremy lang... no one could make me feel this weird feeling inside. Yung pagkakilig na parang kinikiliti ang puso ko. Si Jeremy lang ang nagparamdam sa'ken ng ganito... pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin sa cake shop, at ang huli kong nakita nang mag-passout ako sa elevator.
"S-sino nga pala yung nagdala sa'ken dito sa ospital? Tinawagan niya ba kayo kaya nandito kayo ngayon ni Rainbow?" tanong ko kay Jackie na ngayon ay inaayos ang kumot ko.
"Yung nagdala sa'yo dito yung tumawag sa'ken... nagkataon kasama ko si Rainbow nun. Pinagdrive ako kanina para mag-grocery. Kaya lang nung pumunta kami dito at kinausap kami ng duktor, sinabi ng duktor yung resulta ng mga tests sa'yo, kaya siya ang napagbalingan namin. Akala namin he assaulted you and was just making an alibi that he saw you in the elevator. He's a total stranger kasi, and we were sure na hindi kayo magkakilala, tapos foreigner pa na bato bato ang katawan, kaya nakakaduda. Alam mo yung parang mga guwapong, maskuladong, mala-anghel ang hitsura, pero rapist at serial killer pala na nagtatago dito sa Pilipinas? Ganun yun' naisip namin sa kanya. Tapos ang nakita lang namin na gamit niya ay passport. Wala naman siyang business dito sa Pilipinas, at hindi rin siya nag-aaral kaya nakakaduda diba? Pangalan nga pala niya Marcus Pontes..." paliwanag ni Jackie na nag-aalala rin dahil nga ipinakulong nila ang tao na walang sala, foreigner pa man din! Baka mag-reklamo iyon sa embassy.
Napabuntong hininga ako sa gulong dinulot ko sa mga kaibigan ko pati na rin sa foreigner na tumulong sa akin sa elevator.
"At saka may isa pa pala kaming hindi nasasabi sa'yo..." napakagat labi si Jackie sa huling sinabi.
"Ano yon?" takang tanong ko.
"You're pregnant..."