Six

2789 Words
Phoemela Napatulala ako sa sinabi ni Jackie. Magkahalong saya at takot ang naramdaman ko. While I was happy because I'm going to have a baby with Jeremy, I was feeling nervous with the thought that I was going to be a mommy soon. And the thought of being a parent, which also meant that I should be ready, petrified me! But I pushed the negativity aside. I told myself that being pregnant with Jeremy's baby could be my chance to have him for good; at ang baby namin ang magiging daan para makapag-decide na si Jeremy na ako ang piliin niya over Min Jee!   Ayiii! Love, love, love! It made me excited again! I had to tell Jeremy of the news so I sent a text message to him on the same day that I was hospitalized. I told him through the text message that I was in the hospital, and we needed to talk. Pero hindi siya sumagot. Three days after ay dinischarge na ako sa hospital. It was the assistant of my father who arranged for my hospital bill because my parents were in Europe. From their domestic tour ay naka-schedule naman talaga sila pumunta ng Europe to visit my older sister who's working in a modeling agency. Tinatawag tawagan na lang nila ako para kamustahin, pero hanggang ganun lang sila. Hindi man lang nila tinanong kung anong nangyari sa'ken o kung bakit ako nagkaroon ng stitch sa ulo. In a way, nagtatampo ako sa kanila, kasi hindi sila yung standard na family na nakikita ko sa tv at sa ibang pamilya na sweet at naglalambingan. Ni hindi rin sila nag-aaway. Ni hindi rin sila nagre-react. Pormal na pormal ang magulang at kapatid ko. Ni hindi ko nga sila narinig tumawa kahit kailan. Para silang robot. Parang cold, boring, at walang buhay. All they do is work, work, work. Pero mabait ang magulang ko at kapatid ko. Siguro, mahiyain lang sila mag-express ng kanilang sarili. Ako lang yata sa pamilya ang masayahin. *** A few days after ay na-discharge na ako from the hospital at hinatid na ako ng mga kaibigan ko sa bahay. Kinamusta ko rin yung foreigner na tumulong sa'ken. Sabi ni Rainbow, hindi na raw niya naabutan dahil nag-bail out daw. Mukhang malakas ang kapit ng foreigner dahil mabilis itong nakalabas. Kaagad daw kasi itong nakalaya. Nasayangan ako kasi I didn't get to say thank you to him, and apologize na rin for what happened. Naisip ko na pupuntahan ko na lang siya sa condo niya kapag malakas lakas na ako. Sa ngayon, si Jeremy muna at mga kaibigan kong makukulit ang haharapin ko. Araw araw akong binibisita ng mga barkada ko. Para na ngang mga border ang mga iyon sa bahay namin dahil parati silang naroon, matapos ang mga klase nila. Masaya naman ako na naroon sila, pero a part of me was still very sad. Namimiss ko si Jeremy. Nagwa-wonder ako kung ano na ang nangyari sa kanya? Bakit hindi niya ako binalikan nung nagka-head injury ako? Bakit hindi siya nagpaparamdam ngayon? Bakit hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko? Iniiwasan kaya niya ako? Naisip ko. Pero kinontra ko ulit iyon. I should not think of negative things. Siguro dala lang ng pagbubuntis ko ang nararamdaman kong negativity. I am sure may magandang dahilan si Jeremy kung bakit hindi pa niya ako kinokontak. Pero gusto ko na siya makita. Gusto ko na siya maakap. Gusto ko na ulit ma- assure na ako ang gusto niya at hindi si Min Jee. Kung puwede lang akong umalis ng bahay para puntahan siya...pero hindi ko pa kaya. Masakit at mabigat pa rin ang ulo ko. Nahihilo at nasusuka ako kadalasan. Sabi ng duktor, gawa daw ito ng magkasabay na pag-heal ng head injury ko, at ng pagbubuntis ko. Dahil sa kondisyon ko, hindi ko tuloy magawang umalis ng bahay para sadyain si Jeremy sa condo niya. At sa bawat araw na lumilipas, hindi ko mapigilan balutan ng lungkot at nawawala na ang kumpyansa ko na magiging okay kami ni Jeremy. Paano naman ako hindi magdududa kung araw araw ay kinakausap ako ng mga kaibigan ko na si Jeremy daw ay iresponsaible, walang balls, takot kay Min Jee, mukhang pera dahil mayaman si Min Jee, babaero, manloloko, at manggagamit. Pinipilit nila akong kumbinsihin that Jeremy is bad for me. Kahit na bad si Jeremy for me, hindi naman puwedeng basta ko na lang siyang iwan, lalo pa't magkaka-baby na kami. Napaisip tuloy ako tungkol sa sitwasyon ko. Paano kung hindi tulad ng inaasahan ko ang mangyari? Paano kung tanggihan ako ni Jeremy at ang baby namin? Paano ko sasabihin sa magulang ko ang nangyari sa'ken? Napakagat labi ako sa mga iniisip ko. Mayroon na nga akong scandalous na video na kumakalat sa school, tapos buntis pa ako? At buntis ako sa lalaking walang nakakaalam na naka-relasyon ko. Bukod pa duon, ang lalaking ito ay ikakasal na sa ibang babae, after graduation. I sighed as I realized that I put myself in a mess. A big, big, big, mess... "Kung mahal ka talaga ni Jeremy, mag-aalala yun sa'yo at magpapakita siya dito sa bahay mo." Si Jackie iyon, na pinaka-honest sa aming magkakaibigan, kaya naman tagos buto ang sinabi niyang iyon sa'ken. "It's not that you're not beautiful and a nobody, Pinkie, ha? Don't ever think less of yourself! It just happens that the guy you liked is less of a man." Dagdag ni Rori. "Siguro huwag muna natin pag-usapan si Jeremy. Pag usapan na lang muna natin yung pagbubuntis ni Pinkie. Magiging mga tita na tayo!" mahinang suggestion ni Shayla na alam kong nakakapansin nang malapit na akong mag-break down. "Dapat dun sa Jeremy na yun pinabubugbog!" Galit na komento ni Rainbow. Sabay sabay silang nagsasalita. Ang ingay ingay! "Siiiiiillleeeeeeence!" Sigaw ko at tumahimik naman silang lahat. "Yan! Much better!" Sabi ko at sumandal sa kama. "I know you're all concerned about me, and I truly appreciate it, but please... I just want to be left alone right now..." naiiyak kong sabi at tumingin isa isa sa kanila. Napabuntong hininga ang mga kaibigan ko, at sinabi ni Tanya sa mga kaibigan ko na tumayo na at lumabas ng kuwarto ko. Huling nagpa-alam si Shayla sa'ken. "Just call us when you need anything ha?" aniya. Ngumiti ako sa kaibigan ko. "Thank you." Matamlay kong sagot, at napaisip. Si Shayla! Si Shayla ang makakatulong sa'ken para makarating ako kay Jeremy! Tinawag ko muli si Shayla at pinasara ang pinto. Tumabi naman siya sa'ken sa kama at hinawakan ang kamay ko. "Shay," sabi ko. "M-may favor sana akong hihilingin sa'yo...pero kung puwede sana pls don't tell our barkada about it?" "Ano yon, Pinkie?" tanong ni Shayla na willing naman tumulong. "Puwede mo ba akong samahan sa condo ni Jeremy bukas?" "Puwede kitang samahan, pero diba hindi mo pa kaya? At saka... diba sabi nila Tanya huwag ka na makipag-kita kay Jeremy, lalo na ngayon na naghi-heal pa lang ang head injury mo, at maselan ang weeks na'to sa pagbubuntis mo?" worried na tanong ni Shayla. "Shay, please? I need to talk to him and tell him about our baby." Pakiusap ko. Walang nagawa si Shayla kungdi pagbigyan ako. Kinabukasan, pinuntahan ako ni Shayla sa bahay ng umaga. Nakataxi na siya at sasakay na lamang ako para makarating kami sa condo ni Jeremy. Nang papasok na kami sa building ay bahagya na naman akong nahilo kaya sinabi ni Shayla na siya na lang ang aakyat sa condo unit ni Jeremy at sasabihin kay Jeremy na naghihintay ako sa lobby. Naka-30 minutos na ang nakakalipas at wala pa rin sina Jeremy at Shayla. Nag-alalala na ako dahil kung nag-uusap man sila, dapat ay hindi ganito katagal. At isa pa, knowing Shayla, sobrang mahiyain nun para makipag-chit chat pa ng ganuong katagal kay Jeremy. Kinabahan na ako, kaya tumayo na ako sa sofa at umakyat sa floor ng condo unit ni Jeremy. Nagtaka ako dahil wala sila sa hallway kung saan ini-expect ko sana na duon sila mag-uusap ni Shayla. Lalo tuloy akong kinabahan. Pumunta na ako sa harapan ng pintuan at ini-ring ang doorbell. May nagbukas ng pintuan. Isa sa mga kaibigan ni Jeremy. Mausok ang condo ni Jeremy at maingay. Tumutugtog ang party music at ang lababo na madadaanan sa hallway mula sa pintuan ay punong puno ng hugasin. Napatingin ako sa lalaking Koreano na nagbukas ng pinto. Nakatingin lang sa'ken ito na parang inaantok na hindi ko mawari. Parang bangag. "Si Jeremy?" tanong ko. Tahimik na tinuro lang nung lalaki kung nasaan nakaupo si Jeremy at nakita kong nakakandong sa kanya si Min Jee. Naglalampungan sila habang nagshe-share ang dalawa sa isang sigarilyong naka- foil. Katabi din ni Jeremy si Shayla at may nakaakbay sa kaibigan ko na lalaking humithit din ng sigarilyong naka-foil. Takot na takot si Shayla dahil nasa may bandang leeg nito ang braso nung lalake at may hawak pa itong balisong na malapit sa mukha ni Shayla. Naawa ako sa kaibigan ko at nahiya rin ako dahil nailagay ko pa siya sa ganitong sitwasyon. I felt so sorry at naiiyak na ako sa sitwasyon. Takot pa naman ang kaibigan ko sa mga lalake dahil sa dinanas nito sa stepfather nitong gusto itong pagsamantalahan kaya panay ang layas nito sa sariling bahay. "Shayla!" Tawag ko sa kaibigan ko on top of the loud music. Napatingin si Shayla sa'ken at agad na humingi ng saklolo. Iniwas nito ang mukha nang subukan itong halikan nung lalaking Koreano. Sa galit ko sa ginagawa nung lalaki sa kaibigan ko, kumuha ako ng plato sa lababo at binasag ko sa ulo nung lalaki. Parang nakatulog yung lalaki at nabitawan si Shayla at ang kutsilyong hawak nito. Nagulat ang lahat, kasama na duon si Jeremy at Min Jee. Hinila ko si Shayla patayo sa sofa na kinauupuan nila, at lumapit ako kay Jeremy at Min Jee. "Jeremy, I'm pregnant and you're the father!" Naiiyak kong sambit. Napatayo si Min Jee. Hindi pala siya bangag na katulad ng inaakala ko. "What?" Galit na tanong ni Min Jee. Hinarap niya si Jeremy na bangag at hindi mashadong na-absorb ang sinabi ko. "Is that true, love? You impregnated this b***h?" "Pinkie!" Napasigaw si Shayla at hihilahin dapat ako nang biglang sipain ako sa tiyan ni Min Jee. Napa-aray ako at napaluhod. Susugod dapat ako para gumanti, pero tumayo na si Jeremy at pinagbuhatan ako ng kamay. At dahil doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko si Jeremy. "Jeremy! Ano ba? Buntis si Pinkie!" Sigaw ni Shayla. "Ang kapal ng mukha niyo! Mga p*t*ng *na niyong lahat!" Sigaw ko at nagawawala na. Susugod pa din si Jeremy na para bang papatulan ako. Bilang proteksyon ay kinuha ko kaagad ang kutsilyong nabitawan ng napatulog kong lalaki. "Sige, subukan mo!" Sigaw ko at mabilis na itinutok ang kutsilyo sa kanila. "Subukan mo lang na saktan ako!" Banta ko. I don't know what Jeremy was thinking, but he was just standing there with his knuckles aiming at me. "Pinkie, tara na!" Pakiusap ni Shayla, habang ako naman ay parang nanigas na sa kinatatayuan ko at umiiyak. Hindi ko matanggap na kayang gawin sa'ken iyon ni Jeremy. Paatras akong lumakad hawak pa rin ang kutsilyo, at nang makarating kami sa pintuan para makalabas ng kuwarto ay mabilis kaming nagtatakbo papunta sa elevator. Nagsisunuran naman yung mga lalaki na parang hahabulin kami. Pero dahil sa dala ko ang kutsilyo ay hindi sila makalapit sa amin. Nang bumukas ang elevator ay dalidali kaming pumasok ni Shayla sa loob at mabilis itong isinara. Itinago ko ang kutsilyo sa likod ko nang tumigil ang elevator sa ibang floor, at may sumakay na ibang tao. Alam kong hindi kami makakalabas ng lobby lalo na't may hawak akong mahabang kutsilyo, kaya I pressed the basement parking button para duon kami makalabas ni Shayla. Narito pa rin naman kasi ang sasakyan ko sa basement parking nila, dahil naiwan ko ito noong huling punta ko na nagka-head injury ako. Pagdating namin sa parking, hinila ko si Shayla papunta sa lokasyon ng sasakyan ko, pero napatigil ako when I passed by the familiar cars sa parking. Kayla Min Jee, Jeremy, at mga kaibigan nila ang mga sasakyang naroon. Patago, tahimik, at mabilis kong sinulatan ng mga malalaking letra ang mga pintura ng sasakyan nila gamit ang kutsilyo. Inukit ko pa sa mga windshield nila ang tingin ko sa bawat isa sa kanila. Nilagyan ko ng "I'm a d*ckhead! F*ck me!' ang sasakyan ni Jeremy. Sinulatan ko ang harap ng sasakyan ni Jean ng 'I'm a f*ckwit! Eat my c*nt!' At sinulatan ko ng 'I've got a small d*ck!' ang sasakyan ng dalawa pa nilang kaibigang lalaki. Idiniin ko ang kutsiylo sa bawat letrang isinulat ko. Ibinuhos ko doon ang pagngingitngit ko kay Jeremy, Min Jee at sa mga kaibigan nila. Habang ginagawa ko ito, unti unting gumagaan ang pakiramdam ko, pero madilim pa rin ang tingin ko sa lahat ng bagay. "Pinkie, halika na!" Tarantang bulong ni Shayla habang pinipigilan ako, pero hindi ako nagpapapigil. Pakiramdam ko, habang sinusulatan ko ang mga sasakyan nila, sila iyong sinasaksak at sinusugatan ko sa galit. Hindi pa ako nakuntento. Binutas ko pa ng kutsilyo ang mga gulong nila. Nang may marinig kaming mga pamilyar na boses ng Koreano ay dali dali kong hinila si Shayla paluhod na pumunta sa sasakyan. At dahil sa bilis ng pulso ko, hindi ko ma-ishoot ang susi para mabuksan ang pintuan ng kotse kaya napilitan akong pindutin ang auto unlock button ng sasakyan ko. Tumunog ito at nagbukas. Mabilis akong pumasok sa loob, gayundin si Shayla. I immediately locked our doors, and tried to put the key inside the hole to start the engine. Natataranta kong sinubukan i-shoot ang susi pero hindi ko magawa, nang biglang magsisulputan sa sasakyan ko ang dalawang koreano. Napasigaw kami pareho ni Shayla sa takot. Pinilit kong i-shoot ang susi at this time ay pumasok na ito. Mabilis kong binuksan ang makina at pinaandar ang sasakyan papalabas ng basement parking. Naiwan sila sa parking at sinubukang humabol. Pagdating sa guwardya ng parking ay minadali ko ang guwardiya at mabilis naman niyang iniangat ang harang. Mabilis kaming nakaalis sa building. Nang bahagya na kaming makalayo ay saka pa lang kami ni Shayla nakahinga. Pareho kaming naiiyak na natatawa sa nangyari habang pawis pawisan at hinihingal kaming lumayo sa building. "Sorry, best friend..." naiiyak kong sabi at sumulyap sa nanginginig kong kaibigan. Iniabot ko ang kamay ko kay Shayla to hold her, habang ang kabila kong kamay ang nasa manibela. "Pinkie," nasambit ni Shayla na parang takot na takot. "Pinkie!" Ulit niya. Napatingin ako sa kanya. "Dugo!" Nagpapanick niyang sabi at tinuro ang suot kong palda na puno na ng dugo. Napa-break ako ng sasakyan at pareho kaming napasubsob. Napa-usod pa-forward pa ang sasakyan ko nang may nakabangga pa sa amin sa bandang likod. Nagdilim na ang paningin ko pero narinig ko pa ang mga busina at mga tunog nang nagsibungguang mga sasakyan. *** Napabalikwas ako nang magmulat ang mga mata ko at nakita ang nurse. "Yung baby ko? si Shayla?" agad kong tanong kahit nanghihihna ako. Agad namang lumapit sa tabi ko si Tanya. "Pinkie, Shayla is ok." Marahan niyang sabi. I nodded and heaved a breath of relief saka ko isinara ang mga mata ko dahil nakakatulog pa din ako. Pero naalala ko ang baby ko kaya napamulat ulit ako. "Yung baby ko?" bulong kong tanong. Hindi nakasagot si Tanya. Hinawakan ko siya sa kamay at pinilit na maupo. Ang bigat ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at may benda na naman ito. "Yung baby ko?" ulit kong tanong. Napapaiyak na si Tanya. Somehow, I understood what her reaction meant. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi kayang tanggapin at i-process ng utak at puso ko yung ibig sabihin ng iyak ni Tanya. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko at nanigas ang panga ko, leeg, at pababa ng katawan at parang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Nahirapan akong huminga. Sobra na! Tama na yung pasakit, Lord! Naisip ko. "No," iling ko in disbelief, at bumaling sa nurse na hindi rin ako sinagot. "No..." sabi ko in frustration. "No..." I uttered. "Pinkie...." Humahagulgol na si Tanya at humawak sa shoulders ko. Alam ko malungkot siya at naaawa sa'ken. "Pinkie, pls calm down. Hindi makakabuti sa'yo..." pakiusap niya habang umiiyak. "No!" Paos ko lang na sagot and I voicelessly cried. I felt my body shiver in so much pain. I don't know if it was my head that hurt or my stomach, but I felt severe pain... I felt so weak... so powerless... and I was suffocating. I couldn't breathe. I had hard time breathing. I gasped for air... and everything turned black again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD