Two

1722 Words
Phoemela "Hair lovely... Check! Clothes stylish... Check! Skin beautifully clean and made up... Check! Finally, to always smell nice, a touch of perfume... Check!" Sabi ni Rori habang chine-check niya ang hitsura ko.  Sabay kaming pupunta sa school today, kasama nina Rainbow at Shayla. Nag-sleepover kasi kami nina Rainbow at Shayla sa bahay ni Rori para magpa-make over ako kay Rori. Si Rori naman ay ever so generous. She straightened my hair, waxed my legs, nilinis ang kilay ko, at tinuruan ako na mag-make up. She wondered though why I decided to have a make-over. At dahil alam kong hindi niya gusto si Jeremy para sa'ken, sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko lang talaga magpaganda. "I want to be as pretty as my preynships!" Sabi ko at tinuro ko silang tatlo. "Sus! Nambola ka pa!" Pabulong na sabi ni Rain sa'ken sabay irap. Hihirit sana ako kaso may kumatok sa walk-in closet ni Rori na merun na ring dresser, at konektado sa kanyang bathroom na may air-con. Bongga! "Ma'am Rori," katok ng isa sa mga helpers nina Rori. Binuksan naman ni Rain ang walk-in closet ni Rori. May binigay ang helper na flowers, chocolates, at teddy bear. Kinabahan ako! Kasi alam ko naman na may gusto pa rin si Jeremy kay Rori. At dahil sa gusto ko si Jeremy, I don't want Rori to see me hurt or sad, kapag nalaman kong nagpapadala pa rin si Jeremy ng flowers kay Rori. Bukod pa kay Jeremy, gusto rin ng kaibigan ni Jeremy na si Lee si Rori. Sa aming lahat, ang pinaka-maganda talaga ay si Shayla. Pero dahil nga si Rori ay pala-ayos, very lady-like, at sophisticated, maraming rin naa-attract na mga taga-school sa kanya. Although most of the time, overdressed si Rori for any occasion, boys are attracted to her kasi ma-appeal talaga si Rori. She's the most popular in school because she's pretty, rich, intelligent, at generous to the point na minsan nga parang uto-uto na, kaya naman kaming mga barkada niya ay nakatutok rin kay Rori. Parang sailor moon lang ang peg namin. To the rescue kami parati when other people try to take advantage of our friend. Ako naman, I'm popular in school pero not because of my beauty. I'm popular in school because I'm the friendliest. Kung sasali nga ako sa beauty contest, katulad naman ni Shayla, I will surely win Ms. Congeniality! "Wow!" Kilig na sabi ni Shayla at nakibasa sa dedication sa flowers na tinanggap ni Rori. "To: Princess Fairy... From: Palawan..." Nakahinga ako ng maluwag. Si Percival pala ang nagpadala ng bulaklak. Percival was supposed to Rori's fiancé, but I don't know what's their status now, especially when Rori did not go to her engagement party. At dahil sa term na engagement party, naalala ko na naman si Jeremy at ang fiancée niya. Deep inside me, I feel a little bad na umeksena pa sa kanilang dalawa, pero I just feel I have to do this kasi parang it's now or never for me. Kapag hindi ko sinubukan na mapalapit at mahalin ni Jeremy, baka pagsisihan ko pag tanda ko na dapat pala may ginawa akong paraan. I'm ready na to try to be close to Jeremy. I've decided that I don't want to be a fool wondering what might have been. Yes, yun nga! Tama. Kaya naman, Lord, sorry ha kasi parang I'm trying to wreck a relationship... I just gotta do this dahil ayokong maging theme song ang 'What Might Have Been'. SA bilis ni Rainbow magmaneho, nakarating kami kaagad nila Rain, Rori, at Shayla sa school. At dahil ako nga ang pinka-friendly, habang naglalakad ako sa hallway ay binabati ako at binabati ko rin ang mga kasalubong ko. Why, ako lang yata dito sa school ang nakakakilala sa bawat tao dito! "Good morning, Ate Betchay!" Bati ko sa janitress. "Kamusta na po beauty pageant ng anak ninyo?" Last week kasi nang kinamusta ko si Ate Betchay ay nalaman ko na yun' anak pala niya ay may sasalihang beauty pageant sa Barangay nila dahil fiesta. At dahil nga sa kaibigan ko si Rori na mahilig gumawa ng gowns, nakapag-pagawa ng gown si ate Betchay para sa anak niya-for free. Yes, for free. Probono. Walang bayad. Kasi Rori learned from me that Ate Betchay is a single mom at wala naman silang kaya. Magkano lang naman kasi ang suweldo ng isang janitor? Not that I look down on them ha? I actually look up to them because mahirap maglinis ng school, tapos yun' mga estudyante, sige lang sige sa pagkakalat. Isa pa, it is a respectable job! Anyway, because of that, Rori offered to do the make up of Ate Betchay's daughter. Bongga diba? Ito yun' mga bagay na gusto ko sa pagiging friendly ko. "Hi Pinkie! Parang may iba sa'yo ngayon!" Nakangiti si ate Betchay. "It must be my hair, ate! Nagpa-straight ako ng buhok kay Rori." Masaya kong kuwento. "Hinde. Yun' salamin mo, hindi mo suot ngayon." Sabi ni ate Betchay. "Ah, ganun ba? Oo, nga ano? I forgot to wear my glasses." Sagot ko. "Kaya pala malabo ang paningin ko." Napatingin ako sa parating na naka-long sleeves. "Good morning, Sir Warner!" Bati ko sa isa sa mga strict na professor sa school. "I love your polo! And you're wearing my favorite tie!" I complemented, habang ang mga kaibigan ko naman ay di makakibo sa takot. Napangiti si Sir Warner. "Awww, shucks, Pinkie, you're such a flaterrer!" Sambit nito. "You remember this tie." Anito na natuwa sa'ken dahil consistent ako. Tuwing makikita ko kasi ang polka dots na tie ni Sir na kulya Black and Gray ay binabati ko ang tie na iyon. It goes well with any of his long sleeves kasi. We passed by one of the school leaders na si Cherish. Isa ito sa mga mahigpit na kalaban ni Tanya sa pagiging Council President. Kasama nito ang mga alipores na sina Matilda at Lyka. "Good morning Cherish! Happy birthday!" Bati ko and handed her a card and a big bag of Pringles dahil alam kong favorite niya iyon. "Thank you, Pinkie! Na-touch naman ako naalala mo ang birthday ko, at alam mo rin ang comfort food ko!" Si Cherish. "Belated happy birthday, Lyka!" Bati ko. "You were not here on your birthday kaya I wasn't able to give you my chocolate gift." Paliwanag ko pa. "What a lovely greeting, Pinkie." Natuwa namang sabi ni Lyka. "I was in Europe with my family that time." "And Matilda, happy birthday to you... in two hundred twenty three days!" Sabi ko pa as I mentally counted the days before her birthday. "Una na kami ha?" Rain tugged at the hem of my shirt behind me. back. "Baka ma-late na kami sa klase." Paalam niya sa tatlo. "Salamat Pinkie!" Masaya namang sabi ni Matilda and they also left. Habang naglalakad sa hallway ay sinesermonan ako ni Rain. "Buti na lang hindi ka ganyan habang nagta-travel tayo dito kungdi male-late tayo! Parang lahat na lang nga tao, binabati mo!" "Paano mo naalala ang mga iyon sa bawat tao?" Takang tanong naman ni Shayla. Si Shayla kasi ay may pagka-makakalimutin. Humarap ako sa mga kaibigan ko at patalikod na naglakad. "Cause everybody's my friend, and I love to see my friends smile!" Sabi ko and suddenly bursted into a rap and gestured na parang I'm scratching a turntable, while walking backwards. "Ako si Pinkie! Helloie! Hey' what's up? I'm gonna make you smile, and I will brighten up your day! It doesn't matter now, if you are sad or blue, because cheering up my friends is just what I'm here to do! Break it down!" Napatigil nga lang ako nang bigla akong may nabangga. "Ooopsy daisy! I'm sorry!" Sabi ko at lumingon kung sino ang nabangga ko. Tumambad sa'ken ang mukha ng pinakamamahal ko. Si Jeremy. Nakangiti siya sa'ken. Ako naman nakatunganga pero nakangiti pa rin sa kanya. "Jeremy..." sambit ko. "Magaling ka pala mag-rap." Sabi ni Jeremy. "Juzko... I mean j-just a past time... at home... because my parents owns a disco bar...since they love to party..." I fidgeted. "Cool!" Sabi niya habang ang mga barkada namin ay nasa paligid. "Bagay pala sayo ang nakalagay ang buhok. You look very pretty!" Complement pa niya. "See you around!" He passed by me and I smelled his perfume. Hay, ang bango bango! Sharap!  Narinig kong binati niya ang tatlo kong barkada. Lumapit sa'ken si Shayla, Rain, at Rori. "Huy! Tara na!" Aya ni Rain. At dahil alam kong nasa tabi ko ang mga kaibigan ko, umakto ako na parang mahihimatay. Napatili si Rori at Shayla at sinalo ako. "Gaga ka talaga!" Si Rain iyon na sumalo sa'ken. "Jeremy, dapat ikaw ang sumalo sa'ken!" Maarte kong maktol. "Ah ganun! Halika dali! Balikan natin." Si Rori naman iyon na hinihila ako para habulin sila Jeremy. "Hindi na! Joke lang." Tanggi ko. Ewan ko pero bigla akong nahiya ulit. "Hihihi! Maarte! Umi-MRT na si Pinkie!" Biro ni Shayla. "Cutie kasi ni Jeremy eh!" Kinikilig siya para sa'ken. "Truelala!" Buntong hininga ko habang pinapanood ang likod ni Jeremy na palayo na ng palayo, kaya iniangat ko ang isang kamay ko na parang gusto ko siyang abutin. "Mahal ko... wait lang ha? I'll do everything to be close to you." "Oh, bloody hell, Pinkie! You're insane! I'm going to tell Tanya and Jackie that we need to tie you to a chair, para mapigilan kang mahibang ng tuluyan kay Jeremy!" Komento ni Rori. "Tomo!" Si Rain. "Hmp! Nagkampihan pa kayo!" Asar kong sabi. "Pasensya na, mahal ka namin eh." Si Shayla. I've got to do something, para hindi ako mapigilan ng mga barkada ko sa'kin plano. That day, nakapuslit ako sa pagbabantay ng mga kaibigan ko sa'ken. I dropped by a cake shop and bought Jeremy's favorite Red Velvet cake. I wrote a dedication on the cake card. "Life is beautiful! Every single day there's something new you can plan for and every single day there's something wonderful to do! But nothing makes me happy like a day that I will be able to tell you I love you!- Korean Lovelorn" ... Yes, nobela, pero ayos lang yan. Kinilig kilig ako sa sinulat ko. Hihihi!  Tapos, I asked the cake shop to deliver it to the kubo today and look for Jeremy Jung, the cutest guy ever!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD