Three

2751 Words
Phoemela I felt so restless as I waited sa kubo opposite naman sa kubo ng grupo ni Jeremy. At sa bawat tingin ko sa oras ay napapasulyap din ako sa kanya.  Ang kyut kyut kasi niya!  Hay! Drooling with duling eyes! Nang dumating na ang pinadeliver ko, pumunta ito sa kubo nila Jeremy at hinanap siya. Siyempre, nagulat ang mga ka-grupo ni Jeremy at pinagkaguluhan ang cake. Pinalibutan nila si Jeremy na tinanggap ang cake at binuksan ang box para basahin ang dedication. Some of the girls in their group said it was so sweet. Some said kainin na daw nila ang cake. Ako naman syempre napapa-react habang pinapanood ko sila sa kabilang kubo.  Kung puwede lang ako maging giraffe ngayon para makita ko lang ang reaksyon ng mahal ko! Huhu! Nag-ring na ang bell kaya lalo akong nalungkot. Mamaya pa ang susunod kong subject, pero sila Jeremy ngayon na ang susunod nilang subject kaya napamukmok ako sa table mag-isa. Ang lakas ng loob ko no? Hindi man lang ako nahiya na ako lang mag-isa sa kubo. Para lang akong engot na nag-aantabay doon. Tumayo na ang mga kaibigan ni Jeremy. Ang isa sa mga babae ang humawak ng cake ni Jeremy na lalo kong ikinalungkot. Ipapamigay lang siguro ni Jeremy yung cake. Huhu! Umiwas na ako ng tingin sa kanila. Kunwari may pinagkakaabalahan ako sa bag ko, nang naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko, at pamilyar pa ang amoy ng perfume na iyon! Kinabahan ako at dahan dahang napatingala para malaman kung sino ang nakatayo sa gilid ko. Si Jeremy pala! "H-hi!" Nautal kong bati. Drooling with duling eyes... "Pinkie, sa'yo ba galing yung cake?" tanong niya. "Huh? Ah eh...oo." Pag-amin ko sabay kagat labi. Ngumiti si Jeremy sa'ken. "Thanks ha? Puwede ba kita maimbitahan later sa pad ko?" tanong nito. "P-pad?" Parang tanga kong sambit habang nagso-slow motion ang pag-uusap namin sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na more than 5 seconds na kaming magka-usap. This tops all my moments with Jeremy! Oh-my-gosh! "Yeah, sa pad. Let's hang out, if that's ok with you?" he coolly asked. "Okay?" sambit ko ulit. I was unsure what to say. Pad means he's living alone, right? It means I will be alone with him? Which, I think, isn't right for two teenagers to do lalo na if they are attracted to each other. Well, ako lang ang attracted sa kanya. Siya, hindi ko sure. Work in progress pa lang. Tama, think positive! Siguro naman okay lang yon kung pumunta ako mag-isa sa pad niya mamaya, diba? Wala namang problema yon dahil hindi niya ako gusto, at ako lang naman ang may gusto sa kanya, saka hindi ko naman siya pagsasamantalahan dahil mahal ko siya. At dahil mahal ko siya, willing to wait naman ako kung kelan siya ready sa first kiss namin. Hihihi! Pero, teka, hanggang first kiss lang ba ang gusto ko? Siyempre hinde! Gusto ko din ng ano... ng holding hands! Hay, kilig! Kaya naman kinausap ko na ang sarili ko bago pa magbago ng isip si Jeremy. Sa isip ko, 'Pinkie, wag ka na magpatumpik tumpik pa! Pagkakataon mo na'to! Dali!' "Of course!" Mabilis kong sagot.  Ooops, Pinkie! Not cool! Don't show him you're overeager! Act cool. Act natural. Act calm and cool, like it's not the first time that someone invited you out. I seriously said to myself. "Okay." Pretending to be cool. "Great! See you later," sabi ni Jeremy and gave me a peck on the cheek. Actually, his lips brushed sa bandang leeg ko kaya nakiliti ako at napaiwas. Di ko napigilin mapahampas sa maskulado niyang braso sa pagkakiliti. "Hihihi! Nakikiliti ako!" Nasabi ko pa at namula. Tinakpan ko ang aking bibig bago sinubukan i-compose ang sarili ko. "Sorry..." napakagat labi kong sabi and fixed my hair and myself on the bench. Si Jeremy naman ay napangiti sa'ken. "You really are a funny one, Pinkie..." aniya sabay kindat sa'ken at saka umalis. Ako naman super kinikilig! Kyaaaaah! This is my lucky day! Naisip ko at nagpapadyak sa tuwa at nagpanginig pa sa kilig bago tuluyang napapikit na parang na-tegi sa kakiligan. Pero di pa nawawala ang kilig ko kaya nabuhay ako ulit at tumalon paalis ng kubo saka tumakbo at iniangat ko pa ng aking mga kamay sa hangin sa sobrang sarap ng feeling! *** After my next class ay umuwi muna ako sa bahay para maghanap ng susuutin. Kung narito lamang si Rori na fashionista kong kaibigay ay matutulungan niya ako mamili ng damit. Pero dahil hindi gusto ng mga kaibigan ko si Jeremy para sa'ken, I decided not tell them about this really kilig news na I have a date with Jeremy.  But since we will just hang out in his pad, I decided na mag-suot na lang ng sleeveless blouse at jeans. Suddenly, I heard my phone beeped. I checked my phone and received a text from a number not registered on my phone, kaya binuksan ko na lang yung message para magka-clue kung sino ang nagpadala ng text message sa'ken. "Kyaaaah!" Tili ko. "Si Jereeeeeemmmmmy!" Binasa ko ang message. He gave me his address. Napangiti ako sa kilig. Then, my phone rang. It was Jeremy! Agad ko itong sinagot pero nagmodulate muna ako ng boses. Yung sweet dapat. I tucked a strand of my hair behind my ear, before I composed myself, and answered the phone. "Hellowwww?" I sweetly said and batted my eyelashes as if makikita ni Jeremy yung facial expression ko.  Oo na, krung krung na kung krung krung! Ganun talaga pag in love. With feelings! "Hi babe," sabi ni Jeremy. I could hear his guy friends from the background. Maingay sila at may music pa. "H-hi!" Nahihiya kong sagot. "Babe, puwedeng maglambing?" Malambing niyang sabi sa'ken. "Babe? A-ako ba ang tinutukoy mo?" nalito kong tanong. "Hindi kasi Babe ang pangalan ko. I'm Pinkie." Napakamot ako ng ulo. Kahit masakit na napagkamalan niya na Babe ang pangalan ko, ayos lang. Naiintindihan ko naman na maraming babae ang umaaligid kay Jeremy at siguro... nalilito na ito sa dami. Narinig kong napatawa si Jeremy. "Oo, Pinkie... you're my babe. And I'm your babe." Sabi niya in a sexy tone. Saglit kong tinakpan ang receiver ng phone at humawak sa pisngi ko. Tahimik akong tumili sa kilig, then I composed myself. "Y-yes, babe? May kailangan ka ba?" tanong ko, trying to steady my jello knees. "Can you buy me Red Velvet cake again? Kinain kasi ng mga ogag kong barkada. Hindi ko tuloy natikman yun' cake na binigay mo especially for me. Ok lang ba?" "Pinakain mo sa kanila?" nagulat kong tanong. "Ha? Ah eh, oo eh... wala na akong choice eh kasi marami sila tapos ako lang mag-isa so nakain na nila yung cake and they didn't leave anything for me. Pero kung hindi puwede, okay lang naman, babe...." anito. "Ah eh... sure! Sure! I'll bring you your favorite cake." Agad ko namang sagot. "M-may party ba diyan?" "Wala, babe... pag dating mo dito, tayong dalawa na lang. Papaalisin ko na sila." Jeremy assured me. "Punta ka na kaagad dito. See you at 6:30 pm. Gusto na kitang makasama..." mala-bedroom voice pang sabi ni Jeremy. Napatingin ako sa orasan. It was already 5:30pm. "Okay, see you." Nahihiya pero kinikilig kong sabi. Pag-end ko ng call ay agad na akong naligo, nag-shave ng kili kili dahil no time for waxing na, nagbihis ng pink na dress na sabi sa'ken ni Rori ay nag-eenhance daw ng porselana kutis ko daw at nakaka-feminine for the curve of my slender frame, make up, at umalis na ng bahay para bumili ng cake.  At dahil sa pagmamadali ko, nakalimutan ko ang salamin ko. Mabagal tuloy ang pagmamaneho ko ng sasakyan papunta sa cake shop. Kaya naman habang nagda-drive, napaisip ako sa mabilis na pangyayari sa'min ni Jeremy ngayong araw na ito. Although, admittedly, it was kinda weird na biglang malambing siya sa'ken, at tinawag pa niya akong babe, papatusin ko na rin ang pagkakataon na'to.  I will show Jeremy what true love is, at ako, ako lang naman ang magiging true love niya! Aja! Fighting! Pero napatingin ako sa langit. Naisip ko si Lord, and so I said a little prayer. "Lord, kung hindi tama ang gagawin ko, please pigilan ninyo na ako, bago pa ako magkamali. Pero kapag hindi niyo ako pinigilan, it means okay lang and it was meant to be talaga. Para talaga kami sa isa't isa ni Jeremy. Ayii!" Matapos kong magdasal ay kinuha ko na ang mobile phone ko dahil tumutunog ito. Tinatawagan ako ng mga kaibigan ko at hinahanap kung nasaan ako. I had to lie, so I said na may inutos ang mom ko sa'ken na bilhin. Matapos kong makipag-usap ay napansin ko ang traffic. Naisip ko na lang tawagan ang cake shop to order and reserve one Red Velvet cake, while I was still on my way there. Ayoko kasing ma-late pagpunta sa pad ni Jeremy. Nakakahiya kaya! Buti na lang I was able to reach the cake shop at 6:00pm. Binalandra ko na lang ang sasakyan ko sa harap ng cake shop at tumakbo papasok sa store. I asked the cashier for the cake that I reserved and gave her Php 700.00. "Keep the change." I said sa cashier, at nagmadaling tinungo ang pintuan. Pero pagtapat ko sa pintuan ay bumangga ito sa mukha ko. Napaisip ako. "Lord, sign mo na ba ito na ayaw mong maging close kami ni Jeremy? Masakit sa nose bridge ha?" Napahiga ako sa sahig at nawalan ng malay. Nang magka-ulirat ako, tumambad sa harapan ko ang pinakaguwapong anghel na nakita ko sa buong buhay ko. "Nasa langit na ba ako?" I said as I tried to sit up. "Are you ok?" nag-aalalang tanong ng lalaki sa'ken habang nakaluhod sa gilid ko. "English ba ang language sa heaven?" tanong ko and squinted as I felt my forehead hurt. "A-anong oras na?" Napalinga linga ako sa paligid, and the cashier was kneeling down with the guy na mukhang foreigner. "What?" tanong nung lalaki na na-confuse yata sa tanong ko. Tiningnan ko siya at tiningnan ko din ang orasan. It was already 6:05 pm. Napapikit ako ulit. Nang maimulat ko na ang mata ko, agad kong naalala ang cake kaya napakapa ako sa sahig and saw that the cake was on my dress. Nagulat ako at nag-panic. My dress was ruined! "Waaaaah! "Im really sorry. I didn't mean to slam the door at you." He said, but I didn't listen to him. Tumayo ako kahit parang nalulula pa ako. Hinarap ko ang cashier at umorder ulit ng bagong cake. The cashier took one Red Velvet cake out and tied it with a ribbon. "Here, let me pay for it..." sabi pa nito at natatarantang magbayad sa cashier dahil nagmamadali ako. "No," I declined na medyo disoriented pa. "Kasalanan ko naman. Malabo kasi ang mata ko." Sabi ko na lang sa lalaki. "Puwero I insist..." he said na medyo slang pa. Hawak nito ang wallet at pera. Napangiti ako. Ang kyut kasi ng pagsabi niya ng 'pero'. Hihihi! Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya, at siya rin sa'ken. My wild imagination reeled like I'm watching a movie inside my head. "Can I say something crazy?" I will whisper as I step a little closer to him. "I love crazy!" He will say will step a little closer to me. "You had me at 'puwero'!" I will confess, and then we will kiss. The end... "Miss? Miss?" He waved at me. Matagal na pala akong nakatulala sa kanya. Sa sobrang gulat ko na nagde-daydream ako ay umarte na lang ako na parang sumakit ang ulo ko. He held my arm. "I'm really worried about you. Can I just drive you to where you are going?" "No," marahan kong tanggi.  "Hindi na kailangan." Sabi ko habang pinapanood siya na bayaran ang cake. He gave me a puzzled look. "I mean, no need." I said, thinking that he might not understand Tagalog. "I know what you mean, but I'm just worried na baka bukod sa pintuan ng cake shop ang banggain mo, sa susunod sasakyan naman. I'm more worried about that." He said with a smile. "I don't exactly know what you mean..." I answered, really unsure. "I mean, I insist to drive for you wherever you are going. I just want to make sure you're going to be ok." "Eh paano ka? Wala ka bang dalang sasakyan?" "Meron, but I can just go back and get it, or ask my brother Max to have his staff get it for me. He has spare key anyway." He said. "Let's go. It looks like you're in a hurry." Wow! May mauutusan si Koya! Astig!   Napatingin ako sa orasan. It was already 6:20pm. "Tara na nga." I said. At dahil sa nagmamadali ako, I gave him the address. To my surprise, alam din niya ang building na pupuntahan namin. Wala pang five minutes kaming nakaupo sa sasakyan habang siya ay nagmamaneho nang tumigil na kami ulit. "We're here," he happily said, seemingly proud of himself that he brought me here safe and sound. "Mabilis lang pala makarating dito..." I said. "Ang galing mo naman! Alam mo ang lugar na ito?" "Yeah, I'm staying here for a while habang may pinapaasikaso sa'ken ang father ko." Paliwanag niya. I just nodded my head as he gave my car key to valet parking, before he helped me out of the car. Huwaw! Gentle man! Sa isip ko. He guided me out and led me to the elevator. Pinagmasdan ko siya habang nasa elevator kami. Ang guwapo niya. Mukha siyang foreigner kaya hindi ko napigilan ang sarili ko magtanong. "Filipino ka ba?" Napatingin siya sa'ken while he was holding the cake for me. "Hinde, puwero I've been staying here for almost 4 years so I've learned your language." "Ah," I just nodded and then busied myself cleaning my dress. "Sorry about that." Sabi niya. "I hope you're just visiting a friend, and you're not on a date..." Napatingin ako sa kanya. "Baket? May balak ka ba manligaw sa'ken?" tanong ko sa kanya. Napatawa siya at napahimas sa makapal niyang kilay. "Not exactly...it's just that I ruined your dress, at ayoko naman na pupunta ka sa date mo na may cake ang damit mo..." he explained. "Pero, if I do court you, may mambubogbog ba sa'ken na boyfriend mo?" he flirtatiously asked. "Ah... hehehe..." nahihiya kong sambit. "Hindi ko pa naman siya boyfriend. Magiging pa lang...." sabi ko. "Today... this evening... kaya ako pupunta sa kanya." Hindi ko sigurado kung bakit ako nagba-blabber na magpaliwanag sa kanya. Basta ang alam ko lang, may kumikiliti sa puso ko habang kausap ko siya. Hihihi! Tumigil sa 15th floor ang elevator. "Bitin! Isang floor na lang eh..." pabulong kong reklamo. Gusto ko na rin kasi makarating kay Jeremy dahil 6:32 pm na. Napatingin lang sa akin yung guwapong lalaki. Wala namang pumasok sa elevator nang tumigil ito sa 15th floor kaya awtomatikong nagsara ang pintuan ng elevator. Pero, nang paakyat na ito sa 16th floor ay hindi tumigil ang elevator. Nagtuloy tuloy lang ito sa 22nd floor. "So sorry, hindi ko pala na-ipress sa 16th floor." Namula niyang kamot ng ulo. "Ay, ganun ba? Ayos lang, pipindutin ko na lang yung 16th floor." Sabi ko na sumisway -sway pa habang nakangiti sa kanya.  Ano bang merun ang nakikipag-flirt ako dito sa kaguwapuhang ito? Sagot. Dahil guwapo nga siya! Mas guwapo pa siya kay Jeremy-my-babe! "So, this is my floor now." Sabi niya, unsure kung lalabas ba ng elevator o hinde. Ako naman nakatingin lang sa kanya at nakangiti. "Okay," I sweetly answered so he could make his exit move.  I couldn't imagine I was flirting, but I was. "Bye," sabi niya na nakaharap sa'ken. Magsasara na dapat ang elevator pero hinarang niya ang sarili niya doon. "Bye..." sabi ko. "Salamat sa pag-drive for me..." nahihiya kong pahabol bago siya umatras papalabas ng elevator.  Magsasara na dapat ang elevator, nang hinarang niya ang sarili ulit na ikinagulat ko naman. "Thanks for accompanying me to my floor." He said and gave me the cake. Our hands brushed and I felt something sparked off inside. Parang nag-slow motion ang paligid habang dahan dahan siyang umatras papalabas ng elevator. "I didn't get your name..." pahabol niya. "Pinkie!" Pahabol kong sagot sabay sarado na ng elevator, at nakarating na ako sa 16F. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako, gayong papalapit na ako sa pinapangarap ko-si Jeremy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD