KABANATA 1
AXINE'S POV
"Ano ba?!Tumigil ka nga Axine,nakikiliti ako.Ano ba?!Hahaha"
"Ano,magtatampo kapa sa'kin ha hahaha."
"Hindi na nga eh kaya tama na please ahaha."
Itinigil ko na ang pagkiliti sa kanya,halatang sumasakit na ang tiyan niya kakatawa.
"Sa susunod na magtatampo ka di na kita pupuntahan sa bahay nyo para lang maggala haha."
Kala mo mag jowa kung mag-usap.Pero ganito na talaga kami kung mag-usap
"No,kelangan mo parin akong puntahan dahil mas magtatampo ako sa'yo kapag hindi moko pinuntahan next time." May hampas pang kasama.
"Tskk gusto mo talagang nilalambing ka eh no?!"
"Yes naman po!"
"Tara na nga baka makaltokan pa kita dyan."
Nakaakbay sa balikat ni Roxan ang kaliwang kamay ko habang naglalakad kami sa may plaza.
Kahit pagod pa ako sa kakabantay sa stepfather ko sa ospital ay dinalaw ko parin si Roxan sa bahay nila.Pinaalam ko siya sa parents nya na ipapasyal ko sya plaza.Namimiss nya na raw kasi ako kaya di na'ko nagdalawang-isip pa na puntahan siya.
Napakaraming text,missed calls at chats ang natatanggap ko mula kay Roxan na hindi ko manlang natutugonan.Kahit yung iba kung mga kaibigan ay ganoon rin.Ilang araw narin kasi akong walang paramdam sa kanila.Busy ako sa pag-aasikaso sa stepfather ko sa ospital maglilimang araw na.
"Sabay tayong mag-enroll bukas ha?!Sunduin mo ko sa bahay para sabay nalang tayo."
"Mmm sige." Hindi ko naman siya matanggihan sa lahat ng gusto niya.
"Kamusta na nga pala ang tito? Is he okay ? " Umiling naman ako.
"Diko alam kung kailan s'ya magiging stable.Sabi ng doctor ay hindi parin daw gumagaling ang diabetes nya." Malumanay kong tugon.
"Sana ay maging okay na s'ya." Ngiting sabi niya kaya ngumiti nalang ako ng pilit.
Ganyan siya kabait sa akin.Kapag may problema ako,she's always at my side.Hindi niya pinaparamdam sa akin na mag-isa lang akong lumalaban sa mga problema ko.
Sa aming magkakaibigan siya ang pinakabata at sweet sa lahat.Siya din iyong pinakamalapit na kaibigan sakin.
Roxan is a introvert person kaya di talaga mapapagkailang ako lang at ang buo niyang pamilya ang palagi niyang nakakausap dati.Palagi kong sinasabi sa kanya na huwag siyang mahiya sa ibang tao at nakikita ko naman na sinusubukan niyang i-apply ang mga sinasabi ko sa kanya.
Sabi ng mama niya na si Tita Sandra,Roxan can't talk others kagaya ng pakikipag-usap niya sa akin.Nakikita ko naman kung bakit,ayon ay dahil mahiyain siya kaya palagi ko siyang dinadala sa labas na may maraming taong nakakasalubong kagaya nalang nitong sa plaza.Kapag nakikipagkita ako sa mga kaibigan ko ay isinasama ko rin siya.Hindi pwedeng kami kami lang.Kung mamasyal kami ay sa public place talaga para masanay siya.
Laking pasasalamat ko nga dahil unti-unti na siyang natututo na makipag-usap sa ibang tao na kita ang buong mukha.Dati kasi ay nakatungo ito palagi kapag kinakausap.
"Sana magkaklase parin tayo ngayong grade 10 no?!"
"Matik na 'yan lalo na at pareho lang matataas ang grades natin hahaha."
"Sabagay,magkakalapit lang yung mga grades natin."
"Panoy sagot ng isa,sagot na ng lahat hahaha."
"Hahahaha grabe mamimiss ko ang highschool life kapag naka-graduate na tayo next year dito."
"Mamimiss mo pala eh,eh di balik kana lang sa grade 10 pagkatapos mong grumaduate next year hahaha."
"Wag naman haha ayaw kong maiwan mag-isa dito."
"Andyan si Burnok na may crush sayo haha di ka iiwan nun kahit habang buhay pa kayo dito sa school hahaha.
"Ansama mo huhuhu!"
"Pikon hahaha,tara na nga."
Dalawang oras na kami sa plaza kaya naisipan na naming umuwi,alas otso narin kasi ng gabi.Inihatid ko lang si Roxan sa bahay nila at dumiretso narin ako sa bahay namin.
Bahay
Madilim,walang ilaw o ano mang ingay sa loob ng bahay.Malamang walang tao.Nasa ospital din si nanay,siya ang pumalit sa akin sa pagbabantay sa tatay-tatayan ko.
Tatlo lang kaming nakatira sa bahay namin.Apat sana kami kung nabuhay iyong baby sa tiyan ni nanay noon.At kagagawan ko kung bakit nawala sa samin yung baby na five months palang sa tiyan niya.Isa rin sa dahilan kung bakit galit ang tatay-tatayan ko sakin ay dahil iyon sa nangyari.Pinagbubuntis kasi iyon ni nanay sa kanya.Siya ang tatay ng dinadala ni nanay.Kaya tanggap ko rin yung galit sakin ng tatay-tatayan ko.
Wala na kasi akong kapatid.Gustohin ko man na may kapatid ako ay wala na talaga akong magagawa.Hindi na kasi pwedeng manganak si nanay ngayon dahil menopause narin siya.
Hindi na ako kumain at busog pa naman ako.Kumain narin kasi ako ng burger kanina kasama si Roxan sa plaza.
Gusto ko ng matulog pero hindi parin ako makatulog.It's already 11:30 pm pero ito ako mulat parin ang mga mata.Iniisip ko kasi ang kalagayan ng pamilya ko.
Masyadong mahirap ang sitwasyon namin ngayon. Walang masyadong kita si nanay sa mga binebenta niyang mga damit sa patahian niya.Ako naman ay walang part time job ngayon.Ang tatay-tatayan ko naman ay nagtatrabaho sa construction na di naman sapat sa pang araw-araw naming pangangailangan ang kinikita dati kaya wala din siyang ipon.
Matagal din akong nagmuni-muni hanggang sa nakatulog na ako.
5:300 am
Madilim-dilim pa nang magising ako dahil sa lakas ng tahol ng mga aso.Mga ganitong oras kasi ay marami ng estudyanteng naglalakad papuntang school lalo na at start of enrollment ngayon.
Hindi na ako nagluto ng pagkain dahil wala naman akong ganang kumain.
Dala ko na ang mga kailangan para sa enrollment mamaya.Agad ko nang tinungo ang bahay nila Roxan dahil may usapan kaming sabay pupuntang school ngayon.Malapit lang ang bahay nila sa amin kaya mabilis lang akong nakarating sa kanila.
"Tao po!" Pagtawag ko.
"Roxan!" Wala pa ring nalabas.
"Tao po!" Ayon lumabas si Tita Sandra.
"Ay naku iha pasensya na di agad kita napagbuksan, nagluluto pa ako ng umagahan namin." Paliwanag niya habang papalapit sa gate.
"Ayos lang po.Si Roxan po tita nasaan?"
"Natutulog pa sa kwarto niya.Akyatin mo nalang muna."
"Sige po salamat!"
Saglit lang ay pumasok na'ko sa bahay nila at umakyat sa kwarto ni Roxan para gisingin siya.
"Roxan,gising kana ba? "
"Oum!! Bukas 'yan Axine".
Binuksan ko na ang pinto at umupo sa kama na hinihigaan niya.
"Kamusta ang tulog?" Hinaplos haplos ko pa ang pisngi niyang makinis parin kahit wala pang hilamos.
"Ayos lang naman,masakit lang paa ko sa kakalakad siguro natin to kagabi hehe."
"Sige na bumangon kana dyan para makapag-umagahan kana."Nakatingin parin ako sa mukha niya habang sinasabi.Ang ganda ganda talaga niya.
Tumingin na ako sa may pintuan habang hinihintay siyang bumangon.Pero ang Roxan hindi ko nararamdamang bumangon kaya bumaling ako sa kanya.
'Bakit nakanguso 'to?'
"Good morning kiss ko." Natawa naman ako sa sinabi niya.Hinalikan ko naman ang pisngi niya at agad ding inalis.Ayon nagkunwari na naman siyang kinilig.
'Isipbata talaga 'to kahit kailan.'
"Pwede mo ba akong buhatin pababa,magaan lang naman ako eh!Muahh."Pagpapacute niya tsaka mabilis na inilapat sa pisngi ko ang labi niya.
"Bangon na d'yan at kumarga ka na dito bago pa magbago isip ko."Turo ko pa sa malapad kong likod.
"Hahahah thankyou!"Pinulupot niya ang dalawang paa sa bewang at inihawak naman ang dalawang kamay sa may leeg ko.
Naabutan namin si tita na naghahain na sa mesa.Laking gulat pa niya noong nakita niyang nakakarga si Roxan sa akin.
"Ikaw talaga iha pinahirapan mo pa si Axine!" Umiiling na sabi ni tita.
"Ayos lang po basta para kay Roxan." Binaba ko na siya para makaupo.
Maya-maya lang habang nasa hapag kainan...
"Kamusta na pala ang tatay mo iha?"
Ayaw ko sanang pag-usapan pero ito na eh,sige nalang.
Tinapos ko munang nginuya ang pagkaing nasa bibig ko bago nagsalita."Hindi pa po okay tita,nasa ospital parin po.Mamaya po pagkatapos naming mag-enroll ay pupunta na po ulit ako doon para makauwi din po si nanay sa bahay."
"Sana ay maging maayos na sya."Malungkot na pagkakasabi nito."Wag kang mahiyang humingi ng tulong sa amin iha.Alam mo namang karamay mo kami sa lahat.Sobrang laki ng utang na loob ko sayo,alam mo yan."
"Opo tita,salamat po.Wala naman po sanang babayaran sa ospital tanging pambili lang po ng mga gamot at mga pagkain ang kailangan namin."
"Ah iha may iaabot nga pala ako sayo sana ay hindi mo tanggihan.Nag-ambag-ambag kami ni Tito mo Roman,Roxan dyan." Kinuha niya ang naka-sobre sa bulsa niya kaya nagulat ako.Kahit hindi ko tanungin ay alam kong pera ang laman nun."Iha ito lang ang tanging maitutulong namin sa inyo ngayon kaya tanggapin mo na." Dagdag pa niya.Namamasa na ang mata ko dahil ang sarap lang sa pakiramdam na may tumutulong sayo sa oras ng kagipitan.
"Ti--ta." Garalgal na ang boses ko kaya tumungo nalang ako.
"Tanggapin mo na Axine,nakailang tanggi kana samin dati kaya ngayon tanggapin mo naman para narin sa maintenance ni Tito Robert 'yan." Pabulong na sabi ni Roxan kaya tumingin ako sa kanya.Pati mata niya ay may namumuo naring mga luha.
Inilahad ko na ang kamay ko kay tita dahil sa oras na ito ay hinding-hindi ko ito tatanggihan.
"Salamat po tita." Tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko kaya pati sila ay naluha narin.Nakakahiya mang tanggapin pero kailangan ko 'to ngayon.
Tumayo si tita sa pagkakaupo at lumapit sa akin para yakapin ako.Napakasarap sa pakiramdam na may mga tao akong masasandalan sa oras na may problema ako.
"Tama na ang pag-iyak iha dahil pati kami ay nahahawa narin." Pinilit ko namang pigilan ang luha ko at buti nalang ay nakisabay ang mga ito sa kagustohan ko." Lakasan mo ang loob mo iha!"
"Salamat po sa inyo tita."Ngumiti ako sa kanya habang nagpupunas ng mga naiwang luha sa pisngi.
Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain hanggang sa matapos at umalis narin kalaunan.
#WITH YOU
DISCLAIMER:
Ito ay kuwentong kathang-isip lamang.Ang mga karakter,
lugar at bawat kaganapan sa kuwentong ito ay mula lamang sa imahinasyon ng may-akda.
Ang wikang ginamit sa kuwento ay Tagalog at English (Taglish).
Credits to the owner of the photo that I used in this story:)