KABANATA 4

1291 Words
AXINE'S POV Nasa ospital na ako ngayon katabi si nanay na nakatitig lang sa tatay-tatayan ko.Mahimbing siyang natutulog sa higaan niya. "Bukas ay makakalabas na ang tito mo sabi ng doktor." Si nanay. "Ang bilis naman po?!Okay na po ba siya?"Takang tanong ko.Nagulat kasi ako,symepre naman parang wala pang nagbabago sa kalagayan ng tatay-tatayan ko tapos uuwi na bukas agad. "Sabi ng doktor ay ayos naraw ang kalagayan nya.Nasabi narin ng doktor ang mga bawal at kailangang kainin ng tito mo.Pati mga listahan ng mga gamot na kailangan nyang inumin ay naibigay narin sa akin.Iwasan nalang rin daw ang pag-inom ng alak at pagkain ng mga matatabang pagkain." "Pagbawalan nalang po ninyo inay dahil hindi po ako paniniwalaan n'yan kapag ako ang nagpaliwanag.Baka sapakin lang ako n'yan,masakit 'yon." "Pagpasensyahan mo na ang tito mo,masyado lang siyang problemado kaya masyadong magalitin.Lalo na at ngayong stroke pa siya,asahan na nating madadagdagan pa ang init ng ulo niya." "Bakit kasi pinoproblema niya pa ang mga katarantaduhan ng mga anak niya eh wala namang naitutulong sa kanya ang mga iyon kundi sakit lang rin ng ulo?!" "Ganyan talaga dahil nahihiya siya sa mga ginagawa ng mga anak niya sa ibang tao.Kabitin mo ba naman ang katrabaho mo kahit pare-pareho na silang may pamilya,abay kahihiyan rin ng magulang iyon Axine." "Nasaan na po ba ang nanay nila?" "May kinakasama ring ibang lalaki kaya hindi rin niya naaasikaso ang mga anak nila." "Isa rin palang mangangabit.Lahi na siguro nila ang ganoon nay?!" Tumawa naman si nanay. "Kamusta pala ang lakad mo kanina?"Ang tinutuloy niya ay ang pag-enroll ko kanina sa school namin. "Ayos naman po,tapos na po akong mag-enroll kasabay ko po ang mga kaibigan ko.Tsaka nga po pala nay si Tine po ay sa Amerika na mag-aaral,mamaya po ang flight nya papunta roon kasama ang parents nya." "Ah ang batang iyon hindi manlang nagpaalam sa akin." "Nagmamadali daw po sya at mamayang 4:00 na daw po ang flight nila." "Ahh." Nagpaalam ako kay nanay na lalabas lang,pumayag naman siya. Nasa first floor lang ang kwarto ng tatay-tatayan ko kaya di na ako nahirapang bumaba.Hanggang third floor kasi ang ospital na'to kaya swerte namin at sa pinakababa lang kami.Hundi mahihirapan at mapapagod si nanay sa pagtutulak kay tatay mamaya sa wheelchair. Malapit na ako sa malawak na ground ng hospital nang may makita akong batang babae na karga-karga ng tatay niya habang dala naman ng nanay nya ang gatas at tubig nito. Diko maiwasang mainggit.Nakakainggit lang na sila may tatay at ako wala.May nanay naman akong palaging nandiyan sa tabi ko pero sadyang hindi ko mapigilang mainggit kaya naghahanap parin ako ng kalinga ng tatay. Andyan naman ang tatay-tatayan ko pero parang di sapat sakin 'yong presensya niya.Masyado kasi siyang malayo sa inaasahan kong magpaparamdam ng pagmamahal bilang tatay ko.Mainit palagi ang ulo niya sa'kin kaya hindi ko kayang tanggapin na magiging tatay ko siya.Kung magsalita siya sa akin ay tumatagos talaga ang sakit sa puso.Ngayong stroke siya,sana ay mabawasan manlang ang pagiging mainitìn ng ulo nya.Bugnotin! Kailanman ay hindi ako nagalit kay nanay.Hindi ko siya nagawang kwestiyunin kung bakit ganito ang estado ng buhay namin dahil wala akong karapatan at dahilan.Wala akong karapatan dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako sa mundong ginagalawan ko.Hindi rin ako nagtanim ng galit sa kanya na sumama siya sa puder ng tatay-tatayan ko. Siya ang kayaman ko na kailangang ingatan at mahalinng sobra.Siya ang nag-iisang babae na hindi ako kailanman pinabayaan at iniwan.Palagi siyang nasa tabi ko.Tanging siya lang palagi ang sandalan ko sa mundong puno ng gulo. Hindi nagkulang si nanay sa pag-aalaga sakin mula pagkabata.Kahit wala siyang katulong sa pag-aalaga ay napalaki parin njya ako ng maayos.Saludo ako sa kanya kasi kahit mag-isa lang niya akong pinalaki,hindi parin niya ako pinabayaan.Hindi kami mayaman pero kahit kailan hindi ko naranasang magutom kasama siya. Wala narin kasi ang lolo at lola bago magtrabaho si nanay kina tatay dito sa Manila.Ang sabi kasi ni nanay ay nabuntisan lang daw siya ng totoo kong tatay.Nagtatrabaho kasi si nanay bilang kasambahay dati sa bahay ng tatay ko. Nagkaroon sila ng relasyon na patago at ako ang naging bunga. Nung malaman ng totoong asawa ni tatay na may relasyon sila nanay ay hindi naman daw aiya nito pinalayas.Sinabihan nalang daw niya na umalis si nanay bago pa malaman ng daddy niya.Mahigpit daw kasi ang daddy ng amo niyang babae. Ayon nga ang ginawa ni nanay.Hindi alam ng tatay ko na umalis si nanay dahil nasa ibang bansa ito.Noong mga time na iyon hindi rin alam ni nanay na buntis siya kaya hindi narin nagpakita si nanay sa kanila kahit hanggang ngayon. 'Hinanap rin kaya ni tatay si nanay?' Tanaw ko ang mga magagarang kotse na nakaparada sa parking ng hospital.Mangilan-ngilan lang ang motor at tricycle na nasa gilid ng entrance gate. Ang punong natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ay matatayog.Mga dahon ay malalago na berdeng-berde. Nakahanay sila ng pantay-pantay.Hindi ko maiwasang mamangha kapag tinatanaw ko ang mga punong iyon. Sa ilalim ng mga punong iyon ay mga nagkukumpulang bulaklak na rosas.Ang gaganda ng mga nagpupulaang kulay ng mga talutot.Narerelax ako sa ganitong ganda ng tanawin. Hindi ko maiwasang mapangiti.Sandaling gumaan ang loob ko.Nakawala bigla ang mga problemang nakakulong sa isip. Nasa ganoon akong posisyon nang may biglang lumapit na batang babae sa akin.Iyong batang babae na karga-karga ng tatay niya kanina. "Ate pwede po bang maglaro tayo roon?" Inuga-uga niya pa ang kamay ko kaya napangiti ako sa kanya. Umupo ako para mapantayan ko siya."Sige,nasaan ba ang parents mo?" "Andoon po sila.Ang sabi ko po ay pupuntahan ko po kayo at yayayaing maglaro ng dolls ko." Paliwanag niya habang nakanguso. 'Ginawa pa akong bata at manika pa talaga ang lalaruin.' Hinila niya ako papunta sa tabi ng parents niya.Ngumiti naman ako sa kanila. "Hello po!" Bati ko sa kanila. "Pagpasensyahan mo na ang anak namin iha,masyadong makulit eh." Nahihiyang usal ni ate. "Ayos lang po,wala parin naman po akong ginagawa." "Sige salamat!" Kaya tumango naman ako sa kanila. Pagkaharap ko sa pwesto ng bata kanina ay wala siya roon. Nagulat nalang ako na nasa likod ko na siya na halatang gustong magpakarga. 'Mababalian pa ata ako ng buto sa batang 'to.' "Ate pwede po bang magpakarga sa'yo." "Sige" "Yeheyy ang bait bait nyo po ate!" "Hehehe." "Alam nyo po ba ate na gusto ko pong magkaroon ng isang kapatid kaso po ay ayaw na ni mommy at daddy dahil may sakit po si mommy.Hindi na po siya pwedeng mabuntis."Ang bata pa pero andami ng alam.Matalino 'tong batang 'to paglaki. "Gusto mo bang ate nalang ang ibigay sayo ng parents mo?" "Paano po yun eh di nga po nanganganak si mommy." "Eh di ako nalang po ang gawin mong ate,payag kaba?" "Sigurado po kayo?"Tumango naman ako sa kanya habang karga parin ito."Yehey thankyou po ate.Mommy, may ate na po ako!!." "Ano nga palang pangalan mo baby?" "Ako po si shaneleigh." Bumaba na siya mula sa pagkakakarga sa likod ko. "Ako naman si ate Axine mo." Sa sobrang saya ay napayakap siya ng mahigpit sakin. 'Ang sarap ngang magkaroon ng kapatid kahit alam kong panandalian lang 'to.' Bago sila umalis at magpaalam ay nag-thankyou na muna ang parents nila sa akin at si Shaneleigh naman ay yumakap muna sa akin at nag-kiss. 'Apaka-sweet na bata!' "Mamimiss po kita ate." Mangiyak-ngiyak niyang saad at nagpunas pa ng mata. "Mamimiss din kita Baby.Wag kang mag-alala magkikita pa naman tayo ,hindi man mamaya pero alam kong magkikita pa tayo." "Opo ate aasahan ko po yan." Ngumiti naman ako sa kanya. "Una na kami iha.Salamat sa oras na nilaan mo sa anak namin." "Sige po mag-ingat po kayo." Umupo nalang muna ako sa upuan pagkaalis nila at umihip ng sariwang hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD