NASA dulo na ng silid si Ezra at napadikit sa dingding. His head was throbbing that he felt like vomiting. Magkasamang pananakit ng dibdib at pagsikdo ng ulong sobrang sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Napaupo si Ezra sa sahig. Hindi pinapansin ang pagtawag ng pangalan niya ng tatlong taong mag-anak na kasama niya roon. "Ezra, Baby--" Umiling si Ezra at ihinilig ang ulo sa dingding. He wanted to hit his head on the wall to stop the memories from advancing. Sinubukan niya iyong gawin ngunit narinig niya ang mabilis na paglapit ni Blaze at pagsapo sa ulo niya. Lumayo siya mula sa babae at muling isinandal ang ulo sa dingding. He tried to dismiss the thoughts in his head. Ngunit kahit anong pikit niya ay nakita pa rin niya ang pangyayaring iyon. "Aaaagh!" His scream of mise

