BLAZE NAGKATAON na may doktor sa Rancho Servano nang mga sandaling iyon. Isa sa panauhin nila Blaze ang family doctor nila at iyon ang tumingin kay Ezra. "Hindi ko alam ang medical history ng pasyente pero base sa kwento ninyo, at sa aksidente niya limang taon na ang nakalipas, masasabi ko na posibleng nagbalik ang mga ala-ala ng nakaraan niya. Posibleng Selective amnesia ang nangyari. He is still traumatized about the recollection of his past. Give him some time." Sabi ng doctor kay Blaze at sa mga magulang nito. Mabilis na nakaaksiyon ang doktor dahil nagkataon na mayroon siyang mga dalang suplay ng gamot sa sasakyan niya. Galing ito ng Maynila at kumuha ng supplies ng gamot at iba pang mga gamit sa klinika niya sa bayan. "Doc Aris, ilang oras po bago mawala ang epekto ng pampatulo

