PARA kay Blaze na nawalan ng pangalawang magulang, ang half brother ng kanyang ama na si Jimmy Lee, nakatatandang kapatid ni Brandon Servano sa maternal side, pinakamasakit ang araw na iyon na nangyari ang trahedya. Mas nadodoble ang sakit tuwing maalala niya na kasalanan niya kung bakit iyon nangyari. Hindi alam ni Blaze kung gaano katagal na simula nang tumila ang ulan nang magkamalay siya muli. Payapa na ang paligid ngunit nanginginig pa rin ang katawan niya sa lamig. She looked around at biglang naalala ang tiyuhin at ninong niya. "Ninong?" she called out several times but she did not hear any reply. Kinabahan na siya noon pa lang ngunit pinigilan ang sariling mag-isip ng masama. She chose to be optimistic and hopeful. Sunod na hinanap ni Blaze ay ang idol niya. "Boss?" tawag niy

