PAGDATING ng mga pagkain nila ay saka lang tuluyang gumising at umayos ng upo si Fiona. Dahil gutom na gutom ay tahimik lang ang dalawa habang nag-focus sa pagkain. Naunang matapos sina Fiona at Oz kaya't inaliw sila ni Ezra dahil sa mga kwento ng dalawa. Oz shared some stories about one of their trips na inirapan ni Fiona at tinawanan naman ni Blaze at Ezra. "Katok ka kasi ng katok sa kwarto ng iba," nakangising sabi ni Oz. "Kasi nga puyat nga ko that time! Buti na lang talaga lumabas ka din ng kwarto, imagine my shock nang may makitang nakahubad na caucasian na parang carpet ang dibdib sa kwarto mo?!" "To top it all off, may dalawang babaeng nakahubad pa sa likuran noong caucasian. Baka nalito pa nga 'yon at may gusto pang sumali sa orgy nila." Napapailing na sabi ni Oz habang umaa

