HALOS magkasunuran lang lumabas ng parking lot ang kotseng dala nina Oz at Fiona at ang sasakyan nila Ezra at Blaze. Paatras na si Ezra nang bumusina ang sasakyan ng kaibigan at huminto sa gilid para paunahin sila. Sumenyas si Ezra para sila Oz na ang mauna. Sumunod naman ang kaibigan. He tailed them carefully hanggang sa marating nila ang Bag of Beans Tagaytay. Magkakasunod silang bumaba pagkaparada ng sasakyan nila. "I want ice cream." sabi ni Blaze. Lumapit naman kaagad si Fiona sa pinsan at umabrasiyete. Magkasabay pumasok ang dalawa sa loob habang sina Ezra at Oz naman ay ni-lock ang mga sasakyan at saka sumunod sa dalawang dalaga. "Natawagan mo ba ang caretaker mo?" tanong ni Oz. "Kanina. Noong nag-cr ako. Okay na raw, nagmessage na kanina bago tayo umalis ng Bulaluhan. Nakaa

