TREINTA minutos din bago narating nila Ezra, Blaze, Oz at Fiona ang two story rest house nila sa Tagaytay. Nasa isang exclusive village ito. Nagpakita pa ng ID si Ezra para lang papasukin sila ng guwardiya. Nakabukas ang mga ilaw ng bahay pagdating nila. Mayroon ding mga Christmas lights na nakapalibot sa plantbox na may tanim na santan sa harapan ng bahay. Ang katapat na bahay ng rest house nila Ezra ay nakapatay ang ilaw katulad ng nasa katabi nila na mayroon lang isang ilaw sa porch. Dahil kilala ang lugar na iyon bilang bakasyunan lang at wala naman halos regular na nakatira kung hindi mga caretakers ng bahay, may mga guwardiya na nagpapatrolya maya-maya sa lugar. Nasalubong pa nila ang dalawa sa mga nagpapatrolya gamit ang bisikleta. Sumaludo sa kanila ang dalawang gwardiya. Pagpa

