SINULIT ng magkasintahang Ezra at Blaze ang buong magdamag. Hindi sila gaanong nakatulog dahil sa pagsigurong bawat pagkakataong magkasama sila ay puno ng maganda at maligayang ala-ala. Ezra wanted nothing more but to prolong the moment that they spend together. Aminado naman silang dalawa na nakaw na sandali lang ang mga araw at gabing pinagsasaluhan nila. Their relationship is something that they would still have to fight for. Kahit pa napagdesisyunan na ni Ezra na susubukan niyang tulungan si Blaze sa gusto nito, alam niya na hindi magiging madali ang lahat lalo na at hindi pa niya nagagawang kalimutan ang masakit na nakaraan. Naalimpungatan si Ezra ng ala-singko na ng madaling araw. Dahan-dahan niyang hinila ang braso na hinihigaan ng natutulog na kasinatahan. Binuksan ang lampshade

