SINUBUKAN muling tawagan ni Ezra si Malik noong nakaparada na sila sa basement parking ng Philippine headquarters building ng Lee Group of Companies ngumit bigo pa rin ako dahil pumasok muli sa voice mail ang tawag. "Malik, Dude nasa parking ako ng building nyo." Kahit alam ni Ezra na hindi naman agad iyon maririnig ni Malik ay nag-iwan pa rin siya ng mensahe. Pababa na sana sila ng kotse nang may maalala si Ezra. "Ikutan muna pala natin ang parking slot niya. Nabanggit niya dati hindi siya pumaparada sa iba bukod sa reserved slot para sa kanya. I just have to figure out where it is. I saw it only once noong nagpunta kami one month ago. Nasa bahay kami when he needed something from his office. Sumama ako para kakain kami pagkatapos." Tumango si Blaze at muling isinuot ang seat belt.

