BIGO silang makakalap ng impormasyon sa opisina ni Malik. Wala raw ang sekretarya ni Malik dahil nagkasakit. Ang tanging nasa 22nd floor lang ay ang sekretarya ni Mr. Sloane Lee, ama ni Malik. Nagpaalam sila kaagad ni Blaze nang wala na silang mapiga sa sekretarya. Habang pababa ng elevator ay bumulong si Blaze, "Hindi mo ba napansin na parang expected ng sekretarya na may parating? She didn't even ask who we are looking for or how she can help us. She just waited for us to state our intention na parang indikasyon na sasagot na siya? Hindi ba?" Napalingon si Ezra sa kasintahan. Napaisip siya at inalala ang naganap ilang minuto lang ang nakalipas. "Oo nga. Tapos tumitingin pa siya sa may ilalim ng lamesa." Ang lamesang sinasabi ni Ezra ay ang L shaped booth na nakadikit sa fiberglass

