THE drive from Bonifacio Global City, Taguig became lighter because of Blaze. Napapakalma si Ezra ng mga corny jokes ng kasintahan habang papunta sila sa Batangas. "Naisip ko lang, sa bahay na lang tayo matulog mamaya since gagabihin na rin siguro tayo. Kasama naman daw ni Oz si Ate Fiona. We could all stay sa Rancho just like old times." Napangiti si Ezra. Sa Rancho na iyon kung saan nagsimula ang lahat. Gustuhin man ni Ezra na ganoon ang gawin ay hindi siya pumayag. "Baka ma-bad-shot ako sa parents mo. May bahay kami sa Tagaytay medyo malapit din sa Gotohan. Doon na lang tayo. I'll call the caretaker once we're in Batangas na." "Kasama sila Ate Fiona?" "Yes. Let's suggest that later. Hindi naman pupunta si Dash and Dara. So it would still be the four of us. Sa tingin ko si Oz h

