ILANG BESES nang idinikta ni Honey sa sarili na hindi niya dapat ginagawa iyon. Ilang beses din siyang tumigil. Pero hindi niya kaya hangga’t hindi niya napapatunayan sa sarili niya na mali siya. Lord, hindi bale nang mapagod siya basta mapatunayan niyang mali ang hinala niya. Itinaob niya ang laundry basket nila. Nag-aalangan pa siyang damputin ang mga damit ni d**k. Salit sila sa paglalaba at hindi naman niya ginagawang sipatin ang bawat damit na hinuhubad nito. Basta ihihiwalay lang niya ang de-kolor sa puti at nakahiwalay din ang undies nila at sinu-shoot lang niya ang mga iyon sa washing machine. Ngayon lang niya gagawin na inspeksyunin isa-isa iyon. Dalawang T-shirt na nito ang tiningnan niya. Walang bakas ng lipstick doon. At gusto niyang matawa. Ano ba itong ginagawa niya? Wala s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


