Chapter 9

2763 Words

NAKAHANDA na ang mesa. Palagi na ay siya ang naunang bumangon kay Honey para ihanda ang almusal nila. Habang nagtitimpla si d**k ng gatas nito ay parang gusto niyang maiyak. Ilang linggo na buhat nang malaman niyang buntis din si Daisy. At halos dalawang linggo na rin na hindi na ito pumapasok sa trabaho. Gaya nga ng sabi nito, nag-resign na ito talaga. At minsan pa lang niya ito nakausap buhat noon. “Good morning!” Lumapit sa kanya si Honey. Yumakap ito sa likod niya at inihilig pa ang pisngi sa balikat niya. “Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nagtitimpla ng gatas ko,” malambing na sabi nito. Ngumiti siya dito. Ngiti na malamang ay hindi nakaabot sa mga mata niya. Inabot niya ang gatas nito. “Bakit ko naman ito ititigil? Kasama na ito sa ginagawa ko tuwing umaga.” “Thanks, d**k. Araw-ar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD