Chapter 6

2203 Words

SA TINGIN ni d**k ay pinagbigyan lang siya ni Honey. Lumabas sila para mag-dinner pero nang namamasyal na sila sa tabing-dagat para magpababa ng kinain ay nagsimula na naman itong magsuka. Siya na mismo ang nag-aya dito para bumalik na sila sa kuwarto nila. Naaawa na rin siya dito. Kitang-kita niya na hirap na hirap ito sa pagsusuka. Halos yakapin na nito ang sink para lang ilabas ang pagkaing kinain nito. Wala naman siyang magawa maliban sa hagurin ang likod nito. Nang wala na itong maisuka ay binuhat na niya ito at inihiga sa kama. Ni hindi tumutol si Honey. Pumikit lang ito habang bakas sa buong anyo ang panghihina. “Bukas nang umaga, maghanap tayo ng doktor,” sabi niya dito. “Baka may gamot na puwede kang inumin para hindi ka naman masyadong suka nang suka.” “Baka ganito ako talag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD