Naayos ulit ang lumalabong relasyon nina Ariel at Danica. Bumalik sa pagiging active ni Danica habang si Ariel ay masayang sumusuporta at umaalalay lang dito. Mula nang pagkabata nila ng kasintahan ay noon lang niya ito nakitang malungkot kaya naman ay hindi niya hinayaan na malugmok ito sa kalungkutan. Gumawa siya ng paraan para lang makawala ito sa nararamdaman. Salamat naman sa diyos at nangyari nga. Habang papauwi na siya galing sa trabaho ay naisipan niyang sunduin si Danica. Maaga natapos ang shift niya kaya ayun, sosorpresahin niya ito. Habang nasa daan papasok na sa may gawing klase ng kasintahan ay napapanginit siya. Iba pa rin ang dulot na saya ni Danica sa kanya. Kahit matagal na silang magkasintahan, nakakaramdam pa rin siy ng lubos na tuwa at kilig. Nang makarating ay sumilip

