"Anak, marami pa kaming nagmamahal sa 'yo. Sana naman ay maisip mo 'yun. Si Ariel, hindi siya kailanman sumuko sa 'yo kahit na pinagtutulakan mo na siya." Makaawa ng ina ni Danica. Hindi na kasi niya kaya ang nangyayari ngayon sa anak. Para siyang natauhan dahil sa pangaral ng ina at dahil na rin sa mga sinabi ni Ariel sa kanya. Tama ang kanyang kasintahan, hindi matutuwa ang papa niya kung mananatili siyang ganito. Buhay niya ay sinisira na niya dahil sa pagmumumok niya. Hindi na niya maibabalik pa ang buhay na nawala ngunit hindi niya pwedeng masira pati na rin ang buhay niya. Mas matutuwa ang Papa niya kung makita siyang bumabangon at lumalaban. Pinagid niya ang kanyang mga luha at biglang niyakap ang ina. Doon din ay napahagulgol na ang Ginang. KINABUKASAN din ay pumasok na siya sa

