Dumiretso ang mag-anak ni Ariel kasama ang nobyo sa loob ng ICU. Umiiyak ang Mama ni Ariel habang papalapit sa hospital bed na hinihigaan ng anak. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya na hindi niya alam kung ano ang mga ito. May bandage ang ulo at kitangkita ang mga galos sa katawan at mukha na natamo ng anak. "Ariel anak." garalgal na sambit niya nang mahawakan ang kamay ng kanyang minamahal na panganay. "Ariel anak ko." humagulgol na siya habang yakap yakap na ang walang malay na Ariel. Pati ang mga kapatid nito ay nagsiiyakan na din at si Danica ay nasa tabi lang din na pigilpigil ang luhang papatak sa kanyang mga mata. Ngunit habang pinipigil niya iyon ay mas lalong mas masakit sa kanyang loob kaya naman ay pinakawalan na rin niya. Pahagulgol na lumapit sa ina ng nobyo at kinalma

