ANO’NG ginagawa niya? Iyon ang kanina pa tumatakbo sa isip ni Ryan habang nakakunot ang noong nakatingin kay Jesilyn na mag-isang kumakain. Labis siyang nagulat nang makita ang dalaga sa restaurant na iyon. And then mixed emotions suddenly overcame him; pangungulila dahil dalawang linggo na niya itong hindi nakikita, pagkatapos ay galit at frustration nang maalala ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang kalimutan na lamang ang dalaga na sa kasamaang palad ay hindi naman niya magawa; at ang huli ay sakit na parang may asido sa kanyang sikmura nang maisip na baka may date si Jesilyn at si Apolinario kaya nasa restaurant na iyon ang dalaga. Kaya nang bawiin ni Jesilyn ang tingin ay nagdesisyon si Ryan na ganoon din ang gawin. Inalis niya ang tingin sa dalaga at pilit na binale-wala ang pr

