“NAMUMUGTO na naman ang mga mata mo. Ano ba talaga ang nangyayari sa `yo, Jesi?” Napakurap si Jesilyn sa sinabing iyon ni Sheila pagpasok pa lamang niya sa opisina sa Happy Mart main branch. Dalawa lamang sila ni Sheila na sa loob ng store ang opisina. Ang ibang nagtatrabaho sa iba pang department ng Happy Mart ay nasa kanugnog na gusali lamang ng branch na iyon, kasama ng kanyang ina. At sa mga nakaraang linggo ay naipagpasalamat ni Jesilyn na magkahiwalay ang mga opisina nila ng mama niya. Kung hindi, malamang ay mapapansin na rin nito ang napapansin ni Sheila kapag pumapasok siya sa umaga. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa mesa niya. Nakapamaywang na sumunod sa kanya ang kaibigan. “Jesilyn, tatlong linggo na mula nang bumalik ka galing Singapore at habang lumilipas an

