HINDI alam ni Jesilyn kung paano siya nag-survive sa buong gabing iyon. Basta siguradong wala siya sa huwisyo matapos ang pag-uusap nila ni Ryan sa outdoor garden. Ni hindi nga niya alam kung gaano katagal siyang nanatili sa hardin nang mag-isa bago siya tinawagan ni Apolinario. Kinailagan niyang hamigin ang sarili bago bumalik sa venue ng art exhibit at charity auction. Pero hindi niya masyadong natandaan ang mga nangyari hanggang magdesisyon na silang umuwi na. Humimpil ang kotse ni Apolinario ilang bloke ang layo sa bahay nina Jesilyn. At dahil nakatulala siya sa labas ng bintana ay nagulat siya nang mapagtanto ang pagtigil ng sasakyan. Nilingon niya ang lalaki at nakita ang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang deretso ang tingin sa harap. Sa isang iglap, nasiguro ni Jesilyn na

