"Ano lilipat ka na ng trabaho!" Gulat na bulaslas ni Angge. "Hoy! Ang lakas naman ng boses mo!" Saway ni Louisa sa kaibigan. Pasimpleng niyang sinulyapan sina Yohan at Cayla na abala sa pakikipaglaro sa mga kaklase. Mukhang hindi naman narinig ng mga ito ang pinag-uusapan nila. Kasakuluyang naririto sila sa parke sa loob ng university na tambayan nila kapag pananghalian. At naikwento nga niya kay Angge ang plano niya. "Ano ba kasing nangyari? Nag-away kayo ni Lovely?" "Hindi, ah." "Eh, ano nga?" "Inalok kasi ako ni Sir Kalvin ng trabaho..." Nangunot ang noo nito. "Sinong Sir Kalvin? Yung nabanggit mo sa GC na professor mo sa isang subject at kapatid ni Kevin?" Tumango si Louisa. "Oo. Minimum raw na swelduhan ng mga nag-oopisina ang magiging sahod ko." "Eh, pa'no 'yan kapa

