"Salamat, Kevin, Sir Kalvin." Nakangiting tinanguhan ni Louisa ang magkapatid nang pumarada ang sasakyan sa harapan ng building ng condo ni Ace. "Pasabi rin pala kay Lola Yna, thank you sa mga pa-sharon niya sa akin." Hindi na kasi niya nagawang makapagpaalam sa matanda kanina bago sila umalis dahil kaliwa't kanan ang lumalapit na bisita rito. "Ipagshasharon ka raw ulit ni Lola susunod na isama ka namin," nakatawang sabi ni Kevin. "Birthday niya next month. And she's expecting you to be there." Na-flatter naman siya. Isang nirerespeto at tinitingalang ginang, inimbita siya sa kaarawan nito. Nakakahiya namang tumanggi. Ang sabi ng mga magulang niya— masamang tinatanggihan ang grasya. "Oo ba! Hindi ko tatanggihan ang alok na yan ni Lola Yna!" "That's good! Tatawagan ko kaagad siya m

