"Hala! Umamin na nga sa'yo si Ace na gusto ka niya?" Manghang bulaslas ni Angge. "No'ng isang araw, pinahirapan pa niya tayo sa pinagsasabi niyang something! Sus! Aaminin rin pala!" Kasalukuyang kasama ni Louisa dito sa mall ang dalawang kaibigan. Weekdays ngayon at may pasok siya. Pero nagyaya si Patring na kumain ng pananghalian sa labas. Blowout raw dahil birthday nito. Uuwi kasi ito sa pamilya sa weekends kaya nauna na silang mag-celebrate. At naikwento nga niya sa dalawa ang naging pagtatapat ni Ace kagabi. Halos hindi siya nakatulog. Ngayong naging maliwanag na kay Louisa ang mga pagbabagong ikinikilos at ipinapakita nito sa kaniya, hindi naman niya malaman kung paano 'yon tutugunin. Hindi pa rin siya makapaniwala. Noon delulu lang siya rito. Ngayon heto na, nagkatotoo na! "Oo..."

