LUMINGON si Louisa sa labas ng bintana at saka tumingala. Gumuhit ang kidlat sa madilim na kalangitan. Kasunod niyon ay bumuhos ang malakas na ulan. "Naku, naabutan pa tayo ng ulan," nag-aalalang aniya. Pinaandar ni Ace ang wiper ng windshield. Kaso wala iyong talab dahil halos hindi na makita ang daan. Kinabahan na si Louisa at baka mapahamak pa sila. "Ihinto mo kaya muna? Magpatila na lang muna tayo ng ulan bago bumiyahe ulit." Tumango si Ace at saka naghanap ng pwedeng mapagparada ng sasakyan. Nakakita naman ito ng bakanteng parking space sa harap ng isang fastfood chain. Kagat ang ibabang labi na tumanaw si Louisa sa labas ng bintana. "Tingin mo magtatagal 'yang ulan? Sana pala umuwi na lang tayo kaagad kanina." "Hayaan mo na. Nag-enjoy naman tayo." Sabagay, sa totoo lang

