Pasulyap-sulyap si Louisa kay Ace na nakaupo sa katapat niyang silya. Kasalukuyang nag-aalmusal sila rito sa kusina. Kagabi tinanong niya ito kung ano bang pinag-uusapan nito at ni Andrei, bakit ang seryoso ng itsura ng dalawa. Sinagot naman siya ni Ace at sinabing family matter. Pero hindi kumbinsido si Louisa. Iba ang pakiramdam niya. Pansin niya kasing parang wala sa mood ang magkapatid kagabi. Hindi nag-uusap. Hindi rin umaalis sa tabi niya si Ace hanggang sa magpaalam at umuwi si Andrei. Hindi niya tuloy nakausap si Andrei nang maayos dahil ayaw silang iwan ni Ace. Wala pa naman siyang cell phone para sa komunikasyon nila. "Anong oras ka papasok sa clinic?" Basag ni Ace sa katahimikan. "Pagkakain natin. Aalis na rin ako. Nilutuan na kita ng ulam diyan, ah? May rice na rin sa r

