Venus Sebastian Nagtataka man ay hindi ko muna tinanong si Ace kung sino ang sumira ng araw niya matapos nitong makipag-usap at bumalik dito sa may sofa. Muli niyang kinarga si Gavin at ako naman ay binuhat na rin si Georgia. Seryoso na ang mukha ni Ace. Pero ramdam kong nagpipigil na ito ngayon para siguro hindi na ako magtanong pa, o mahalata ng mga bata na sira ang mood niya. “Good afternoon po, Sir Ace.” Bati sa amin ng isang kasambahay na biglang dumating bago kami umakyat ng hagdan. Tumingin pa ito sa mga anak namin at halatang nagagandahan siya sa mga bata. “Is my Daddy doing alright?” Tanong ni Ace sa kasambahay na hindi man lang nagawang bumati pabalik. “Opo, Sir… Maayos naman po ang kalagayan niya at nasa kwarto siya.” Nakaramdam naman ako ng awa para sa father-in-law ko s

